Mukha pa rin pala akong bata hanggang ngayon. Hindi talaga nagbago 'yung itsura ko, medyo gumanda lang siguro, nagkalaman ng kaunti, pero 'yung height talaga e. Hanggang ngayon maipaparis mo 'ko sa mga freshmen ng hayskul. Kahit akoneh nagugulat kapag tinatanong ang edad ko at sasabihin kong beinteuno na ako.
Wala naman akong pake sa height ko dati, basta alam kong maliit ako dahil simula nung elementary hanggang hayskul parati akong nasa unahan ng pila. Nagtataka rin ako dahil 'yung ibang kaklase kong kalimitang nasa gitna ng pila emkasing tangkad ko na lang ngayon. Katulad na lang ng pinsan ko. Anyways, naging concern lang naman ako sa taas ng naabot ko nung nagsimula akong mag hayskul..
Uso naman sa mga private school ang pagchecheck sa clinic. Physical check-up ba,syempre parating kasamang kinukuha ang weight at height dun. Sa pagkakatanda ko, 4'5 lang ako nun, at tumitimbang ng 29kgs. Underweight ba 'yan? Nasa lahi naman namin ang maliit eh. O sige pagandahin natin, petite. Sa pangalawang taon, 4'7 na ang height ko sa timbang na 30kgs. Medyo maganda ang improvement dahil tumaas din ako ng dalawang pulgada. Kaya naman excited na 'ko ng sumunod na taon. Kaso na-disappoint lang ako nung nakita kong 4'7 1/2 lang ako. Obiyus naman na kalahating pulgada lang ang tinaas ko pero tumimbang ako ng 32kgs. Pagdating ng huling taon ko sa hayskul e tumaas ulit ako, 4'9 na ang height ko at meynteyn ang bigat ko.
Nung dumating ako sa kolehiyo, kailangan sa physical exam ang pagkuha ulit ng ganun. Nagtatalon ako sa tuwa dahil nakita kong 5'0 na ang taas ko. Medyo nabawi lang nang may nakapagsabi na hindi raw accurate ang height meter dun sa clinic. Hindi ko pinansin 'yon. Basta ang mahalaga sa'kin, tumangkad ako! Mas matangkad na ko kay GMA! Nakita ko pala sa personal 'yun nung nagpunta sa school namin. Pero sa dami ng tao, hindi ko sya masyado nakita. Bumbunan nya lang ata ang nakita ko. Teka, nabanggit ko bang nakatungtong na 'ko sa silya nun?
Nagtataka nga din pala ko sa ibang babae na kasing-tangkad ko lang naman pero hindi na bata tignan. Siguro eh sa padadala lang din 'yun sa sarili, sa pag-aayos at sa kung pa'no mo ipapakita ang ugaling dalaga sa ibang tao. Masasabi kong NEGA nga ako sa lahat ng 'yon. Magaslaw pa nga raw ako sa bata. Makulit pa sa mga lamok at probinsyanang manamit.
Nagbago na rin ata ako ngayon. Medyo presentable na kong tignan. Ngayon pa nga lang daw ako nagdadalaga. Nahihiya tuloy ako. May pagka tomboy din kasi ako e. Ayoko sa "pink", ayoko magsuot ng mga damit na kita ang kili-kili at likod at ayokong nagdusuot ng palda. Dahil nga galawgaw akong babae at mahilig makipaglaro sa mga lalake na nauwi sa pagiging sadyang malapitin ko sa kanila, na madalas naman ma-misinterpret ng mga taong may mapanuring mata at mapanghusga.
Wala naman akong pake sa kanila. Mga inggitero at inggitera! De, joke lang. Sadya na kasing gan'to 'yung nature ko eh. Kahit may baguhin pa ko, hindi pa rin natatabunan at mawawala ang nakagisnan na. Tulad lang 'yan ng mga mayayaman na simula pa nung ipanganak sila eh mayaman na talaga, kumpara sa mga yumaman lang noong nagsikap, pero sa kaloob-looban nila andyan pa rin yung lumang pagkatao na hindi maitatago.
Namimiss ko na pala 'yung mga lalaki sa buhay ko. Asan na ba kayo? Hello sa inyo!
"Mukha pa rin pala akong bata hanggang ngayon. Hindi talaga nagbago 'yung itsura ko, medyo gumanda lang siguro, nagkalaman ng kaunti, pero 'yung height talaga e."
ReplyDeleteAno kamo? Medyo gumanda? hahahaha i highly doubt it.
Hindi mo pa nakita kung ano itsura ko dati.. Okay, mas pangit ako noon, pangit na lang ako ngayon. Hahahaha. K.
Deletemas mainam yang mas mukha kang bata.. kesa naman mas mukha kang gurang sa edad mo.. dapat proud ka na lang.. yung height? ganun talaga, yan yung normal height ng pinoy eh.. hehehe
ReplyDeleteSiguro sawa na lang akong masabihan na mukha akong bata. Nakakainis na. Hahaha. Seryoso, hindi na compliment ang dating. Maniwala ka, hindi rin maganda kapag sobra na. :) pero salamat pa rin. Darating din na ttanda ako. Hehe!
Delete