Saturday, April 06, 2013

silencio.


Shouting everything inside
Inside my heart,my mind, my mouth
Shouting in silence, what is true
Telling aloud, what is lie
I pretend not to hear, 
but my eyes can clearly see
A poignant agony 
seemed to shoot me
Sour to the taste
pungent to the smell
I can't move,
it's easier to stay still
This world that is made
in vital deception and falsehood
I scream real world!
But the solidity only withstand on fiction.

Thursday, March 28, 2013

Nuks. Tumagal pa ng 2 years.

Dalawang taon na rin pala ang lumipas, simula ng gawin ko yung blog ko sa Tumblr. Blog - blog-an lang. Heh! Syempre kailangan kong gawan ng entry dito 'to dahil espesyal din ang naging parte ng Tumblr sa buhay ko. Lol. Pero seryoso, dun kasi ako nakakilala ng mga taong di ko aakalaing makakasundo, makakaaway(?), makakainuman, makakakwentuhan, magiging kaibigan ko at dito lang din ako nakakita ng mga taong parang perfect, pero syempre wala namang ganun talaga. Ang talented kasi nila! Sa pagsusulat, pagkuha ng litrato, sa pagdo-drawing hanggang kahit sa sipleng pagpapagana ng humor. Parang kapag nasa loob ako ng site na 'yun, ibang mundo na yung ginagalawan ko. Ibang mundo talaga, may sariling pag - iisip, parang may sinusunod na rules na kapag di mo nasunod, iba-bash ka. Lahat naman sinasabing maging totoo ka lang, na hindi ko lang alam kung lahat nga ay totoo.

Pero lahat naman yan mararamdaman mo sa umpisa lang. Maninibago ka, matutuwa ka kasi nga bagong experience. Parang kapag may bago kang laruan, excited ka parati, pero kapag tumagal mararamdaman mo na rin yung pagkabagot, mananawa ka sa paulit - ulit na pwede mong gawin.Nawawala na yung thrill hanggang sa unti - unti mo nang kakatamaran hanggang sa tuluyan mo nang iwan. Parang sa mga nababasa ko at napapanood ko. Sa unang sabak parang walang problema, pag natitigan, dun nila makikita na parang may mali. Parang may nangunguna at kumokontrol sa lahat. Yung inakala mong perpekto, kasi pakiramdam mo kapareho mo ng pag - iisip ang mga taong nando'n. May nakakaintindi sa'yo, na akala mo hindi kayang intindihin ng mga taong nasa labas. Hindi rin pala. Kasi darating din yung oras na kailangan mo pa ring lumabas at harapin yung tunay na mundo. Yun na! Para ka lang nanaginip ng maganda tapos nagising. Ewan ko na lang kung thankful ka ba na nagising ka pa. Ang random hahaha.

In short, nalipasan na ng panahon.

Uy hindi ko rin naman makakalimutan yung mga taong naging kaibigan ko na rin hanggang sa labas. Napa-sweet at napakabait n'yo. HAHAHA. ang sarcastic. Pero de, labyu guys. Duh. Parang tanga naman 'tong entry ko. Kasi lamoyon? Na parang obligasyon kong magsulat ng ganito kasi nga Anniversary ng blog ko, kahit hindi ko na nga nabubuksan 'yon. Ayoko namang i-deactivate, wala lang, kasi lamoyon, may mabalikan lang na pwede kong tawanan kasi ang drama talaga ng mga post ko r'on, pramis. Feeling writer, feling magaling. Hahaha! Ngayon ko nga lang narealize na wala naman akong talent talaga sa pagsusulat, trying hard lang talaga. Buti nga na-realize ko pa yun, kundi baka may mainis na naman sakin na nangangarap ako. loljk.

Ang point ko lang kasi talaga, babalik na lang ako sa panonood ng mga koreanovela, ng mga foreign movies, at ng pagbabasa ng mga novels na inaalikabok na sa book shelf. Tska nga pala, nagiging busy ako at naaaliw na rin pala ako sa bago kong course. Gusto ko na talaga 'to ituloy sana mag - excel ako rito. WAHAHAHA.  De, seryoso yan.

No'ng nakaraang taon nga pala. Eksaktong isang taon may nangyaring maganda, sana ngayon wala.

Ah, oo nga pala guys, sabi nung kaklase ko ang pinagkaiba raw ng film sa movie..
Film - hindi pa naipapalabas.
Movie - kapag naipalabas na.
Wala lang.

Someday, somewhere in this precarious world, if we meet again I hope I'll be able to tell you so much more than I can right now. Goodbye.
Tumblr. #CharaughtCarraught 

Sunday, March 03, 2013

Dense feet.

Marahan lang kung dumating. Dahan-dahang kilos at pagsasalita. Ingat na ingat sa gagawing ekspresyon ng mukha. Dapat tama. Dapat sakto. Dapat di sosobra. Dapat hindi mahahalata. Dapat "neutral" lang.

Para kasing kapag naunahan ka ng kaba at ng saya, baka maudlot pa. Gustuhin mo mang umurong pa, hindi mo na magawa. Kasi naman imbes na isang hakbang sa isang patlang, isang hakbang sa limang patlang ang ginagawa. Ang kailangan lang namang sikreto ay ang pigilan ang bugso ng damdamin. Huwag i"pressure" ang sarili sa mga pangyayari. Darating talaga ang tamang araw, 'wag mainip. Kasi kung ipipilit nawawala na yung majik. Kung ipipilit parang walang parte na masaya at magaan? Panay pangamba at negatibo ang masasagap mo, hindi mabuti. Dapat kung paano ang pakikitungo n'ya, ganun ka lang din sa kanya. Dapat kung paanong pakikipag-usap ang ginagawa n'ya, pantayan mo. Isang maling hakbang, lalayuan ka.

Ganyan ang inuugali ko sa'yo, dahil walang gustong unang sumuko. Wala rin naman gustong maglinaw ng mga bagay-bagay. Gustuhin ko mang maunang mag-unat ng paa upang humakbang muli paharap, baka hindi ka sumunod. Maiiwan ka sa dulo at ako, mag-isang haharapin ang piniling daan na hindi mo pala gusto.

Nakakatakot na muling sumubok o marahil natatakot lang na muling mabigo. Kaya naman mag-tiyaga na lang sa ganitong disposisyon. Hintayin natin kung sino ang unang maglalakas loob. Kung wala naman, hintayin na lang natin dumating ang panahong may mapapagod at susuko sa ganitong klase ng pakiramdaman ng paa at puso.

Saturday, January 19, 2013

TititGibs Production presents....




Yung mga pagkakataon na akala mo, okay ka na lang na mag-isa, sa kahit anong bagay. Pero saka ka makakakilala ng mga taong makakasundo mo. Hindi mo aakalain na magiging magaan ang mga loob n'yo para sa iisang gawa. Magkakakilanlan ng tunay na pagkatao sa simpleng pagtambay-tambay at pagkuha ng mga senaryo ng buhay. Akala mo masaya ka na na mag-isa, pero hindi pala. Dahilk may mga taong nandyan para mas pasahayin pa ang takbo ng buhay mo kahit sa simpleng kwentuhan at tawanan. O kahit sa simpleng pag-upo sa tabi mo at tanawin ang paligid na pare-pareho n'yong hindi pinagsasawaan.
Mas masaya kung ang mga taong ito yung mga taong akala mo noon ay hindi naman magiging bahagi ng buhay mo at hindi mo inaakalang makakasundo mo. Minsang may asaran at tuksuhan. Initan ng ulo pero biro lang. Mga na lke-late sa usapan pero okay lang. Mga tambay sa bahay para mag-edit ng film pero ang ending matutulog, manonood ng tv at maglalaro. Harutan ng walang humpay, hanggang sa dumating na ulit ang oras na maghihiwalay na kayo. At sa susunod na araw, kayo-kayo muli ang magkakasama.
Sana walang magsawa. Sana hindi lang ito hanggang ngayon lang. Sana kapag natapos na 'tong proyekto, magkakaibigan pa rin tayo.
Nuks. Iinom uli tayo para malasing ang lahat, hindi lang para sa malasing ang isa. kakain ulit tayo sa Mang Inasal, paramihan ng extra rice. Magsho-shoot ulit tayo para makita ang ganda ng buhay. At sana may iyakan, kasi ilan ilan pa lang ang nakita kong umiyak sa inyo. At syempre sana kahit wala tayong makuhang awards sa darating na OBRA Awards, masaya tayong magkakasamang magtutulakan sa swimming pool. Kayo lang pala dahil hindi ako marunong lumangoy.
Ang korni ng post ko at ng kwento ko. Matagal ko na dapat na sinulat 'to pero tangina wala akong time, dahil busy akong kasama kayo. Huehuehuehue 
Salamt mga kaibigan, lalong sumaya ang pagkatao ko dahil sa inyo. Lalo akong ginanahan pumasok at ipagpatuloy ang kursong gusto ko dahil sa inyo. No regrets!!!! Wow. Tawanan n'yo ko kapag nabasa n'yo 'to, mga gago!
halabshu all. :3

Sunday, January 13, 2013

Experiment

Madali lang naman pala makalimot. Lalo na kung wala namang pinagsamahan at walag pinatunguhan. Alam mo yung limot na pang tanga. Para sa mga one-sided love yun. Kasi,lumilimot ka sa isang taong wala namang pake sa'yo kahit sa una pa lang. Hindi, sige, may pake sa'yo pero hindi sasapat para masabing mahal ka nga n'ya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Hindi naman 'to based on own experience, oo maniwala ka, hindi talaga. Gusto ko lang sabihin, kasi yun yung nakikita ko. Depende na lang din. Hindi naman kasi lahat nakukuha sa tiyaga. Tiyaga ng paghihintay sa araw na mapapansin at mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Sakto ka na run sa pangyayaring 'hi hello', 'kamusta?' o simpleng tango. Sige, minsan nginitian ka na rin n'ya 'tas akala mo, gudo ka na rin n'ya. Baka naman nagiging polite lang yung tao. Kasi dapat diba ganun tayo kapag nakakakita ng kakilala, binabati kung hindi naman salita, sa kilos. Yun kasi ang mahirap sa mga taong hangal sa pag-ibig at nababaliw sa kasinugalingan. Akala nila ang simpleng pag sagot sa'yo ay indikasyon na rin na minamahal o nagugustuhan ka na. Kahit hindi naman. Ganun kasi kapag nawawalan na ng pag-asa ang isang tao. Bawat sulok at singit ng posibleng posibilidad na eksplinasyon ng bawat pangyayari, hahanapin. Kasi gusto n'yang may kapitan na pruweba na kahit papaano ay may pag-asa. Kahit deep inside, alam n'yang wala. WALA. Diba? Lahat bibigyang kahulugan. Kahit wala naman talaga. WALA.

Mali. Hindi pala madaling makalimot sa gaitong klase ng pag-ibig at katangahan. Kasi sa ganitong pagkakataon at pangyayari mas nagbigay ka ng effort. Effort na hindi ka pinansin. Naghirap ka, pero walang nangyari. Eh hindi ba, ang sabi nila, wala namang pinaghihirapan na hindi napapansin ng iba. Eh bakit sa'yo hindi umepekto? Pinansin ka ba? Oo, pero sapat na ba? HINDI.

So, i therefore conclude, na ang pang tangang paglimot na ito ay mas mahirap kalimutan kaysa sa normal na paglimot na ginagawa ng isang taong may nakaranas ng two-sided love. Aba, pride mo rin ang nasaktan, hindi lang puso.