Ang May Pakana

HI BEACH!


"Wala akong kwenta magsulat!"
Tulad ng panimula ng iba, ganyan din ang naiisip ko. Kung anu - anong shits lang. SHITS. Sabi nila para mas maging cool daw ang sentence mo, kailangan mong dagdagan ng "shit" sa huli ng pangungusap. Kwentong barbero and shits lang 'to.  Cool diba?


Kung nakikita nyo naman ang laman at ayos ng blog ko. Magulo. Tama. Wala kasi akong alam pagdating sa mga pag-aayos ng mga ganitong shits (oo, paninidigan ko ang pagsasabi nito and shits) Masarap lang talaga sumulat ng kahit ano e no? Introvert kasi ako. O, siguro, madaldal lang talaga kaya hindi ko kayang lumipas ang isang araw na hindi nakakapagkwento ng kahit anong shits sa buhay ko. 


Anyways, baka naman may mabuti kang kalooban na pagandahin ang pambata kong blog.  Pwede mo akong tulungan. Kung sabagay, "Andito naman ako para magsulat ng gusto ko, hindi para magpa-impress sa ibang tao." --Isang paboritong linya na naman ng mga batang manunulat kuno na tulad ko.


Eto ang 20 FACTs: ABOUT ME portion. (LOL)

  1. Monique Adeline ang pangalan ko. Medina ang apelyido at Ambayec ang middle name. Dati concern ako sa tamang pag-pronounce ng pangalan ko, pero ngayon, bahala na lang kayo kung pa'no nyo gusto bigkasin. GEORGE  na lang for short.
  2. October 11, 1990 ang birthday ko. OO. Mukha akong bata. Paulit - ulit kayo.
  3. Cavitenya ako. Pero Nag-aral sa Maynila. At hindi ko alam paano itype ang.. teka, pano ko nga itatype eh hindi ko nga kaya? Isipin mo na lang kung anong mali dito.
  4. Hindi pa rin ako tapos mag-aral. Lumipat na ko sa Laguna para mag - aral.
  5. BSIE ang kurso ko. Ewan ko din kung bakit eh, basta alam ko hindi ito ang gusto ko. MASSCOM ang gusto ko. 'kay? EDITED (02/16/15): Graduating na ko ng CommArts ngayon :D
  6. Mahilig akong magbasa. Pero wala akong pambili ng libro. Pwede mo akong regaluhan.
  7. Mahilig akong magsulat. 'di ako marunong magdrawing.
  8. Hindi ako matalino, tamad ako
  9. Hipster ang kuya ko. Nag mimix martial arts din sya.
  10. Mahilig akong manuod ng movies. Paborito ko talaga ang (500) Days of Summer, kahit alam kong walang panama 'yan sa mga bigating pelikula na gusto mo.
  11. Mababaw akong tao. Hindi ko naman kasi alam pa'no masasabing malalim ang isang tao.
  12. Mahilig din ako sa music. Music lover ako eh! Sabi nila mukha daw akong rakista, kahit sa unang tingin pa lang. Astig daw ako. Ewan ko, mga tanga ata nagsasabi nun. O baka mga fans ko sila.
  13. Wala akong pinipiling genre ng mga kanta o tema ng libro. Basta swak sa panlasa ko.
  14. Maliit nga pala ako. 5'0. Pero pinipilit nila na 4'11 lang daw ako. EH MARUNONG PA KAYO SA'KIN?!
  15. Mahiyain ako. SOBRA.
  16. Kumakanta ako. Sumasayaw rin. Pero hindi magaling. MARUNONG lang.
  17. Mananampalataya akong tao. (Religous) SERYOSO 'TO.
  18. Madami akong kaibigan. Hindi ko alam kung meron akong kaaway. Wala akong ideya kung may mga taong nagagalit, naiinis, naasar sa'kin. 
  19. Hindi ako mahilig sa hayop. "no pets allowed"
  20. I'm JACK OF ALL TRADES and a MASTER OF NONE.
Dami ko kunwaring alam e no? 

EDITED: April 4, 2012, nga pala, simula ngayon hindi ko na alam ang salitang PAG-IBIG.  Baka sakaling alam mo, pwede mong ipaalam sa'kin. Kung pwede, tutorial para mas maintindihan ko.


No comments:

Post a Comment