Kagabi pa ligalig ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang pukang amang loob ko. Sa kaiisip ko naman, lahat na ata ng pwede kong pangarapin sa buhay na maganda, naisip ko na. Hindi man lang ako nangarap ng masama, sino ba naman kasing mangangarap ng masama diba? Duh. Pero kahit ilang pangangarap pa at imahinasyon at ilusyon ang gawin ko, malayong malayo pa talaga ang liwanag ng katotohanang mangyayari 'yon. Wala na nga ako sa estado na kumakapit sa pag-ada, iniisip ko na ang lahat ng masamang pwedeng mangyari, lahat ng hindi maganda. Pero kapag kami na lang ng sarili ko ang magkasama, magpapatuloy na naman ako sa pangangarap ng mga imposibleng pangyayari.
Ang hirap kapag iba ang gusto ng isip at loob mo. Parang nagtatalong panahon ng tag-araw at tag-ulan. Parang pusa na kumakahol.
Umaasa kasi, sabi na nga kasing huwag na. Eh, ganun talaga ang buhay, hindi ba? Kung anong ayaw, patuloy na gagawin. Kung anong bawal, patuloy na lalasapin.
No comments:
Post a Comment