Sabi nila, kapag umiibig ka, hindi mo raw alam kung anong gagawin. Kumbaga, parang parati kang balisa at maraming paru-paro ang nagliliparan sa t'yan mo. Parang ang bagal ng bawat paglipas ng oras. Gusto mo parating nakikita ang taong mahal mo... Masarap sa pakiramdam yung ganyan, lalo na kung alam mo namang may inaasahan ka.
Eh pano kung wala?
Eh di nganga? Sus. Pangit lang kasi na parang parati kang ngumingiti dahil sa maling dahilan. Ang tamis ng mga ngiti ko, pero yun pala mali naman ang inaakala ko.
Malamang ako talaga yung tipo ng tao na ang gusto e pinapahirapan ang sarili. Kalimitan inaayawan ko yung mga lalaking madaling magbigay ng motibo, halatang-halatang may gusto. At ako naman, habol na habol sa mga lalaking kulang na lang, iparamdam na hangin lang akong dumaan sa harapan nila. Yung pakipot at ang hirap basahin ng nasa isip. Moody. Yung minsan na magkausap kayo, parang ang saya-saya n'ya sa'yo at akala mo forever na ang ganun. Pero kinabukasan, parang hindi nangyari yung kahapon. Bigla na lang nagka-amnesia at nanlamig naman bigla. Pero, yun ang mga tipo ko. Gusto ko pinapahirapan ako, tapos sa huli, wala, nganga pa rin.
HAHAHA.
Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko. Akala ko e nakaya ko nang baguhin ang sarili ko na hindi na mangungulit, pero dito sa taong 'to, nasubukan ang pasensya ko at ayun nga, mukhang bigo ako. Huhuuhu.
Parang ako talaga yung nanliligaw, kasi ako naman talaga ang may gusto sa kanya. S'ya naman, gusto n'ya rin ako, sa personalidad ko, pero hindi siguro pareho yung "gusto" na meron kami sa isa't - isa.
Nga pala, dahil sa kanya e madalas na naman akong mag day-dreaming. Syempre ang laman nun, kaming dalawa. Saklap e. Solid ng pagkaka-imagine ko ng mga pangyayari. Kusang umaandar lang ang utak ko sa kung anong magandang mangyari. Pero syempre ulit, dahil dito, alam kong walang wala na talagang pag-asang magustuhan n'ya ko, bukod sa katawan ko. Chos.
Pero seryoso, nababaliw ako sa pag-iisip. Ngayon na lang ulit ako nagkaganito at kahit ang mga bagong kaibigan ko, nahihibang sa ugali ko ngayon. Yung totoo? Ano bang nasa isip mo?
No comments:
Post a Comment