Thursday, December 06, 2012

EWAN KO SA'YO.

Hindi talaga ako yung tipo ng tao na uso ang masamang gising. Hindi naman kasi ako ang taong mainitin ang ulo. Pero hello, ima human too! Kanina nga e, tinamaan ako ng masamang gising. Ginising ako ng maaga ng nanay ko para sumamba. Labag sa loob ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sakit ng puson ko at ang lakas ng pag-agos ng dugo. Eto namang nanay ko na may lahi ata ng kakulitan, hindi ako tinigilan. At dahil badtrip na ko, padabog na lang akong tumayo, naligo, nagbihis. Minamadali n'ya ako at male-late na raw. Parang nagbasa lang ako ng buhok e. Nakasimangot pa rin ako syempre. Pagkauwi, humiga ako, kinalikot ang selepono ko. Saka sumigaw ang nanay ko, oo sigaw talaga, di naman yon nagsasalita ng hindi pasigaw e,

"YUNG TUWALYANG GINAMIT MO, INIWAN MO NA LANG DO'N!! NAPAKATAMAD MO TALAGA!!"

Sino ba namang matutuwa ng ganyan? Yan, yan ang ugali ng nanay ng ate ko, biglang magagalit, maiirita, para bang gusto ka lang n'yang pagalitan kaya maghahanap s'ya ng dahilan. At yun ngang tuwalya ko ang nakita n'ya. Eh, pukang ama! Pinagmamadali n'ya ako kaninang umalis e! Nalimutan ko na ngang mag-ayos e.

"AKO'Y WAG MONG SISIMANGUTAN D'YAN!! UBOS NA PASENSYA KO SAYO!!! MABAIT KA LANG KAPAG MAGPAPAALAM KA!!! WAG KANG BUMUBULONG BULONG DYAN!!"

Anak ng bakang bakla! Umagang umaga. Tuwi na lang talaga!!! Paano ka naman hindi mangigigil! Hindi ka bibigyan ng oras nyan na magpaliwanag ng side mo. Maiinis ka na lang, dahil lahat ng paratang n'ya mali, pero hindi mo maituwid. Di ko na lang talaga sinagot at ayokong masira na ng tuluyan ang umaga ko. At oo, sumasagot ako minsan sa nanay ko, dahil masama akong anak. Pero kasi, alam mo yun? Napabihis tuloy agad ako, at kahit 8:30 am pa pasok ko, umalis na agad ako sa linsyak na bahay na 'yon. Nakakasira ng araw e, masisiraan ka rin ng bait.

Parating ganun yang nanay ng ate ko, walang ibang pinapakinggan. Sarado parati ang tenga, basta sa kanya, sarili lang n'ya ang tama. Alam kong magulang s'ya, pero, please?! Wala ka na sa lugar e. Once na nagalit na yun, lahat ng kasalanan kong matagal nang nangyari, mauungkat na naman.

Habang naglalakad ako papunta dito sa bahay ng ate ko, naiiyak na lang ako. Hindi ko mapigilan. Ayokong umiyak, pero nakakainis na kasi talaga. Pero naisip ko kung ito lang ba talaga ang dahilan ng pag-iyak ko? O naipon na lang dahil matagal-tagal ata nung huli akong maiyak ng ganito. Pukang ama.

No comments:

Post a Comment