Sunday, December 23, 2012

Girl No.2 - Prologue

Naranasan ko na maging una. Naranasan ko na ang pagmamahal na ako lang, na para sa akin lang. Naranasan ko na maging "priority". Naranasan ko na ang mahalin ng buo.

Pero ito ay iba. Ngayon ko mararanasan magmahal bilang pangalawa. Nakikihati. Kulang, sapat lang? Maging "option" lang. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako. Hindi lang basta pangalawa, masyadong komplikado. Kung gusto mong malaman, sundan mo na lang ang kwento ko. Pero ito muna. Ang unang yugto ng buhay ko bilang isang "pangalawa". Ayokong tawaging kerida, lalo na ang kabit. Hindi naman ganoon ang gusto naming dalawa na kalabasan ko. Ang alam ko lang, namin, naiintindihan namin ang posisyon namin sa buhay ng isa't isa. Walang hassle. May limitasyon lang, alam namin kung saan dapat lumugar. Ang mahirap lang ang magtago. Itago ang katotohanan. Pero teka, hindi naman ito katotohanan. Isa lang din itong kasinungalingan na dapat sa umpisa pa lang ay hindi ko na pimayagang mangyari. Pero anong magagawa ko, nandito na ako. Ito na ang simula ng kwento ng bagong karanasan sa buhay ko. Hindi namin alam na dalawa kung mahal nga ba namin ang isa't isa, at kung pagmamahal nga ang naiisip ninyong dahilan kaya namin nagawang puamsok sa ganitong kumplikadong sitwasyon, hindi rin sigurao ang aming sagot. Ang alam lang namin, may kulang, at ang isa't isa lang ang nakakapuno ng puwang.

Masaya kami, pero hanggang saan?

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment