Friday, November 02, 2012

You know, new me. Lol

Simula pa sa pagkabata ko, hindi na ako sanay mapansin ng mga tao. Ayoko ng atensyon. Hindi ako naghahangad ng kahit anong pansin sa kahit sino. Ayoko ng pagkilala, ayokong pumatol sa mga panguuto nila.

Bata pa ko nun. Walang hilig makisawsaw, walang hilig sa away. O siguro bata pa lang ako, moody na ako. Minsan naman gusto ko ng pansin, pero hindi ng karamihan. Kung may pumuri sa'kin kahit isa lang,tuwang-tuwa na ko.

Ayoko lang talaga ng kaaway. Mahina ang loob ko. Konting pagsalitaan nga ako ng hindi maganda, nangingilid na yung luha ko. Kaya ayoko ding nagkakamali ako noon, dahil alam kong may magagalit at makakapuna sa'kin. Ako ang nagpapakumbaba, ako ang iiyak sa harap mo. Basta, ako yung batang duwag.

DUWAG.

Naalala ko nung grade 3 ako, may isa akong kaklaseng babaeng maharot. Sobra. Nakikipagharutan sa mga lalaki, bungisngis. Hanggang sa pakikipagharutan nya, yung binato nyang papel, napasama yung ballpen, kasamaang pala, sa'kin tumama yung ballpen malapit sa may mata ko, syempre umiyak ako, malakas. Tinanong ng teacher kung anong nagyari kaya naman nung nalaman nya yung kwento, pinagalitan nya yung classmate ko, at pilit nya kong sinasabihan na gantihan yung klasmeyt ko. Umiiyak na aking dalawa, pero ayoko pa din. Tumatanggi ako. Pinipilit pa dn ako ng teacher ko, kahit sabunutan ko nalang daw, malakas pa yung iyak ko sa kanya, hinigit ko lang yung dulo ng buhok nya, para matapos na.

Hindi ko alam anong trip ng teacher ko, hindi ko din alam kung bakit parang ang bait-bait ko. Kaya nga hanggang highschool, duwag pa din ako. Dumating ang fourth year highschool, yun na siguro ang pinaka depressing na pangyayari sa highschool life ko. Ang dami kong nakagalit at nakaaway ko pa ang bestfriend ko, dahil sa lintik na lalaki na ngayon ko lang naisip na hindi naman sya ganun kagwapo. Hahaha!

Well, ang gusto ko lang naman sabihin sa post kong ito eh, masarap pa din ang pakiramadam na wala kang kasamaan ng loob, lalo na yung magalit o maging ~*hater*~ sa isang tao, lalo na kung hindi naman kayo magkakilala talaga. Ano bang dahilan ng pagkagalit mo? Bakit ba naiirita ka sa kanya? Dahil ba sikat sya? Dahil ba mas maganda sya? O dahil wala lang, ayaw mo lang talaga sa kanya? C'mon! Ang babaw mo kung ganon, aaminin ko isa din akong ~*hater*~ DATI. Pero wala naman akong napala, hindi naman ako mas gumanda sa paningin ng iba.

Wala. Pinabigat ko lang yung dinadala ko sa dibdib ko na pwede namang hindi.

Kung ganito ka din, okay lang yan. Uso naman yan dito.

Please lang, mag-isip ka din, wala namang magandang maidudulot yan. Mas masakit pa nga kung malalaman mong mismong mga kaibigan mo pa ang pumaplastik sayo.

Masaya nga pala ako, dahil may isang bagong naging kaibigan na ako, nagkaliwanagan at eto ngayon, mukhang magiging mabuting magkaibigan. Salamat! :">

No comments:

Post a Comment