Sunday, November 04, 2012

Intensified-Coffee-Family-related-Story


Prolouge:
Bale kagabi, pumunta ako sa bday ng pinsan ko. Doctor, medyo tumatanda na, babae, single. Baka naman may mairereto kayo sa pinsan ko. Sige na, nagpapahanap e. :3

Scene 1:
Anyway, yun nga, expected ko madaming pagkian dahil mahilig magluto ang pinsan ko, which is fail. Dahil pagdating namin dun, sobrang simpleng handaan at puro donasyon lang ang handa ng pinsan ko. Hahahaha! Siguro ang kanila lang dun e yung liempo at hipon na nagtataka ako kung bakit hindi ko tinikman. Yung Palabok na masarap dala ng isa kong pinsan, yung cake bigay ng tita naming mayora (haahahahahaha) at yung fried chicken dala ng isa ko pang tita at yung dalawang ice cream, dala namin. Nadaan lang talaga sa kwentuhan. Kaya rin kasi ako sumasama sa mga family gatherings e dahil sa mga bagong tsismis na nasasagap ko tungkol sa exciting na pamilya namin. Nakakatuwa kasi magkwentuhan ang mga 'yon e. Daming nakakatawang side comments.

Scene 2:
Tas yung pinsan ko, nagpasama na ihatid namin pauwi yung asawa ng isa pa naming pinsan. Pinagamit yung tito namin yung kotse n'ya dahil yun na yung naka-park sa labas. Mababa yung sasakyan e, honda jazz na itim at may dalawang amplifier sa backseat. Pagkahatid namin, ni-try naming lakasan ang volume sa 10, sobrang lakas na agad ng tugtog at pag-boom ng bass sa dibdib ko. Nataon pa sa intro ng kantang Alejandro nung ginawang 30 ng pinsan ko yung volume. Ang sakit sa ulo, tenga at nakakagulat yung intro ng tugtog na may slash-slash thingy pa. Puta, sobrang lakas, dapat nakabukas yung bintan or else, mamamatay kami sa pressure na makukulong sa loob ng kotse. Wala naman ng masyadong tao sa kalsada kahit maaga pa. Mga alas-nuwebe ng gabi 'yon. Pagdating sa bahay, curious kami ng pinsan ko kung anong tunog kapag nasa labas, so binuksan namin yung sounds, volume 10, di katulad ng karaniwan na sasakyang may "Boom" effects na bass lang ang naririnig ng mga tao sa labas, sa sasakyan ng pinsan ko, yung mismong kanta ang maririnig mo at yung beat. Eh, etong pinsan kong isa (engineer, lalaki, single rin at hindi na rin bumabata, baka may mairereto rin kayo) binuksan yung likod ng kotse kung nasaan yung "boom effect sumthing" , lalo tuloy lumakas. Kung kailan naman ako sumasayaw saka may sumigaw sa katapat na bahay. Nagagalit na ang ingay-ingay raw. Napapasok tuloy ako sa loob ng kotse. Gusto lang naman naming marinig e. :( humingi ng pasensya yung pinsan kong engineer-na-single-pakihanapan-ng-girlfriend.

Plot:
Naisipan kong humingi ng kape sa pinsan kong may bday-na-doktor-single-pakihanapan-ng-boyfriend. Tuwang tuwa naman ang pinsan ko, dahil mahilig sa kape yun. May ipapatikim raw s'ya sa'king kape na galing Malaysia na uwi ni Kuya Jojit na tito namin pero dahil bata pa kuya ang tawag namin, s'ya yung may-ari ng kotseng may malakas na souns system. Single-rin-pero-may-girlfriend-na-ata-sayang-gwapo-pa-naman-kaso-di-na-pwede-hanapan-ng-irereto. Para raw ma-feel ko, kailangan boiling water, so nag-init s'ya ng tubig. Binigay n'ya yung sachet na pahaba sa akin. Ang daming laman! Pero isang timplahan lang daw yun. Sabi n'ya masarap daw talaga. Sabado kahapon at sabi n'ya baka sa Lunes na ako matulog. Pero sinigurado n'ya ako na hindi yun kasing tapang nung huling kape na ibinigay n'ya sa'kin. Matapang pa ata sa kapeng barako yun na kahit tatay ko hindi mainom. Nung tinimpla ko na, aba! Masarap nga! Sa sobrang sarap, inubos ko agad, di ko na naisip na baka nga gising ako nito beintekwatro. Sabi ko rin na yun na lang ang iregalo n'ya sa'kin sa pasko (eto ang masarap sa walang pasko, pero ang mga relatives ko meron, nabibiyayaan din ako ng regalo at aginaldo).

Ang verdict:
Pag-uwi, inaasahan ko na nga na gising ako hanggang umaga. Bukas ang ilaw sa kwarto, pati ang tv at tyinatyaga ko ang palabas ni kuya Germs. Ang gwapo pala talaga ni Daniel Padilla, syit. Nagbabasa ako ng libro, dahil nga pakiramdam ko rin di na ko makakatulog. Nagtetext rin ako paminsan-minsan. Nung wala nang nagreply, nagfocus na ko sa pagbabasa. Siguro dalawng oras o tatlong oras, nakaramdam din ako ng antok. At ano pa bang sunod kong ginawa? Eh di natulog. :3 wala na ring tama sa'kin ang kahit anong kape. Totoo naman kasing imbes na magising ako sa kape, inaantok ako.

No comments:

Post a Comment