Sunday, November 25, 2012

Which is which?

"Anong mas cool sa dalawa?"
HAHAHAHA! Medyo--hindi, natawa pala talaga kami ng malakas ng kaibigan ko nang sabihin ko 'yan no'ng nasa isang bookstore kami. Nakaupo kami sa carpet habang nagkalat ang mga notebooks  sa lapag. Natawa kami dahil unconcious ako sa sinabi ko. Ako lang din ang nakapansin.
"Puta, not cool! Ano ba yung sinabi ko?!"
HAHAHAHA! Lecheng salita yan. Not cool. Pero kasi nga di'ba, minsan kung kailan hindi tayo aware sa mga nangyayari o sinasabi saka lang nagmumukhang totoo at solid. Walang halong kaeklatan, purong katotohanan. Pero di ko mapapatawad ang sarili ko sa sinabi kong 'yon. Not cool. 

Di rin naman big deal 'yon e. Akalain ko bang kusang lalabas sa bibig ko 'yon. Sobrang babaw nga lang siguro namin na magkaibigan at di na namin 'yon nakalimutan hanggang sa pag-uwi. 

Nakakatawa, nakakainis. Pero lumalabas yung tunay na ako, which is "pa-cool". Sumobra ako ng pagkawala sa sarili. Sa huli, wala sa dalawang notebook na 'yon ang nabili ko. 

No comments:

Post a Comment