Friday, November 23, 2012

Tatlong palapag ng impyernong kalangitan.

Alam mo yung ang saya ko na, kasi sa unang pagkakataon e nasunod ko na yung gusto kong gawin. Narating ko 'tong kurso na gusto ko matapos kong magpakulong sa pagiging soon-to-be-inhinyero sa mahigit limang taon. Alam mo yung, AKALA? Totoo ngang maraming mamamatay sa mga akala.

Akala ko kasi, magiging okay na. Akala mo lahat ng taong papalibot sa'yo, pareho kayo ng iniisip at tinatahak na daan. Akala mo lahat ng taong nando'n ay ngingiti sa'yo at sasalubungin ka ng may pagkagalak. Akala mo, lahat, lahaaaat sila may pag-intindi sa bawat nararamdaman ng bawat isa.

Pero ano? Hahahaha!

Wala, mali naman lahat yan. Akala mo isang panibagong mundo ang natagpuan mo kung saan paraiso na ang tingin mo dahil lahat sila umaayon sa pangarap mo. Pero minsan talaga, gumigising tayo sa katotohanan na hindi pa rin tayo naaalis sa tunay na mundo. Isang guhit, dalawang floor lang ang pagitan ng dati at bagong mundo ko. Minsan, naiisip kong bumaba at bumalik sa nakaraan dahil lahat ng taong nando'n, doon ang totoo. Ang tama lang sa pangatlong palapag na kinalalagyan ko ngayon ay ang pangarap ko. Pero ang taong makakasama ko pa sa dalawang taon, hindi ko alam. Nasa ibaba ang mga taong mas nakakaintindi, mas tanggap kung maganda, bobo, o kung ano ka pa man, di tulad sa taas kung saan mga batikos at mapanghusgang mga mata ang parating nakamasid at nagbabantay. Naghihintay na gumawa ka ng isang mali, saka ka nila susunggaban para sitahin.

Malabo pala talagang makasundo at pakisamahan ang lahat ng tao. Kahit ano pa mang pag intindi at katahimikan ang ilatag ko sa harapn nila, kung ayaw nila, ayaw talaga. Hindi mo naman mapipilit sila na kilalanin mo muna bago husgahan dahil may tao talagang likas na ang ugaling manita ng mali. Ayaw magpatalo at parating ang gusto ay atensyon at karangyaan ng pangalan. Mundong puro sakim sa kapangyahiran. Akala mo ay kakampi pero ang tingin naman sa iba ay kaaway. Wala naman kasi talagang perpekto, pero hindi ko lang talaga maintindiham kung bakit parang hindi nila kayang mabuhay na walanh sinasagasaang iba. Eh diba, pwede mo namang hindi na lang pansinin at palagpasin ng tuluyan. Kung hindi mo gusto, wag pag-aksayahan ng panahon.

Ano bang punto ko? Walang diretsong sinasabi, para sa lahat 'to. Guilty ka man o hindi. Ang sabi nga nila ang magandang pan depensa sa mga ganitong tao at paninira ay hayaan sila. Wag bang pansinin. Pero bago mo naman magawa yun e kailangan mo ring ilabas lahat ng himutok at inis mo. Ang sabi ko sa mga kaibigan ko, hindi ako ang tipo ng taong madaling mainis sa isang klase ng tao, lahat nakakasundo ko. Lahat kaya kong intindihin, pero may limitasyon din pala ako. Naiintindihan ko naman na may iba talagang likas na maiinis sa'yo kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Siguro di lang nila gusto ang hulma ng mukha mo, o kaya e ang arte ng paglakad mo, o pwedeng sadyang mainit ang dugo n'ya sa'yo dahil, wala! Trip n'ya lang. Pero kasi nga, di ako ang taong palaaway, concern ako sa mga taong alam kong may inis/galit/tampo sa akin. Nakaka-bother. Kaya nga may post akong ganito, pero hayaan n'yo lang ako. Di 'to big deal sa'kin, gusto ko lang ilabas :-)

Lahat naman tayo kailangang may hingahan ng sama ng loob o ng pagsisimyento. Eto ang sa'kin. Defensive man akong matatawag pero para lang naman 'to sa mga taong hindi ako kilala ng totoo. Di ko kailangang magpaliwanag sa mga totoong kaibigan ko.

Minsan din, mas mabuti pang pakisamahan yung mga "simple, normal, forgettable" na tao. Kasi sila pwedeng pagkatiwalaan, masarap kasama at walang kaeklatan sa katawan. Samantalang sa mga taong "kilala", kakaibiganin mo, pero ang tingin naman sa'yo kakumpetensya. Ingat lang, baka may pinamamalita yang mabaho sa likuran mo.

In short, ang mundong pinili ko, masaya man ako, hindi pa rin madalu at perpekto. May mga pagsubok pa rin at may mga taong pilit na sisiraan ka at ihuhulog ka. Pero ang maganfang gawin lang, hayaan sila. Patunayan lang na mali sila at hindi ka katulad ng iniisip nila. Mabait naman tayo e, depende na lang din yon kung paano makikisama sa'yo ang mga tao. So, go on. Mamamatay din ang masamang damo :-)

P.S nagpagupit ako dahil sa pinsan ko at hindi sa may ginagaya ako. :-) nagsasalamin ako dahil malabo ang mata ko :-) nagpakulay ako ng buhok dahil boring ang itim na kulay :-) sinasabi ko lang kasi baka malaking question mark sa inyo  'to. Teka, masama na bang mag-ayos ngayon? Baka di ako maligawan e.

P.S.S Idolo ko ang taong yon. Hinding hindi ko kayang makibagay sa taong hinahangaan ko. Hindi ko ugaling manggaya, dahil masaya na akong makita na mas nagtatagumpay s'ya. Inspiration ko yun! Kung lalaki lang ako, liligawan ko yun!

Wala, sinasabi ko lang. Hahahaha! Ang defensive ko ba? Pake mo.

Published with Blogger-droid v2.0.9

2 comments:

  1. Oy, basta friend pa rin tayo ha. Kahit matagal na matagal nang panahon noong huli tayong nagkausap. Hehe! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Oo naman. Engineer ka na pala. Congrats! :)

      Delete