Thursday, November 22, 2012

ペニス祭り

Alam mo sa buhay mauuna muna ang pangyayari bago mo pa man malagyan ng pamagat na aangkop sa kung saan ba umiikot ang istorya ng buhay mo.

Mahirap na kasing maglagay ng pamagat o label sa isang parte ng buhay mo tapos hindi naman pala talaga iyon ang ipapakita sa kwento mo. Parang sa pag-ibig may mga taong nauuna ang pag-aassume sa isang bagay na kadalasan ay mali. Aasa ka na makikita at mararamdaman mo ang akala sa mga salita mo, pero wala. Para ka lang din pinasasa muna sa sarap saka ka iiwan mag-isa.
Pero may ilang mga kwento naman na wala talagang kinalaman sa title ng istorya. Mga vague o obscure title. Teka, hindi naman lubos na walang kinalaman. ‘Yung tipong hindi lang sinasabi sa istorya kung saan nila nakuha ang ipapamagat nila. Kung bakit ‘yun ang ginamit nila, ewan ko. Parang sa mga kanta. May ilang mga artist ang hindi gumagamit ng titulo na may kinalaman o nababanggit sa kanta. Mismong ‘yung thought ang nasa pamagat, bahala ka na umintindi. Kumbaga, read between the lines ang labanan. Kapag hindi ka marunong, e magmumukha kang tanga at buong buhay mong pagsisisihan kung bakit hindi mo nalaman ang totoong istorya sa likod ng mga titulo na yo’n.

Naisip ko lang naman ‘to, pero hindi ako sigurado kung tama nga ang naiisip ko. Kung mali man, sumbatan mo na lang ako na nagmamarunong. O baka sarili ko rin ang tinutukoy kong tanga at hindi lang makaintindi. Para kasi sa’kin kapag nagsusulat ako, nauuna ang katawan bago ang ulo. Ibinabase ko lang sa nasulat ko kung anong pamagat ang ilalagay ko. Pero sa totoo, malimit lang ang titulo na inilalagay ko. Minsan kapag wala, wala talaga. Minsan naman kung may marinig lang ako sa salita, ‘yun ang ilagagay ko kahit na walang konek sa kung anong gusto kong iparating. Minsan din, nakakaagaw kasi ng atensyon..

‘Yun! ‘yun na nga ang totoong dahilan kung bakit nga ba. Papansin lang at dapat makakuha sa pansin ng mga tao. Kumbaga, dapat sa pamagat pa lang magkainteres na agad sila. Siguraduhin mo na rin na maganda ‘yung laman, para hindi magsisi ang nakapukaw sa atensyon ng pamagat mo.

Anyways, wala akong maisip na magandang ipamagat sa entry na ‘to. Total, wala naman akong masyadong audience, ‘yan na lang ang ipapamagat ko…

No comments:

Post a Comment