Sunday, November 04, 2012

Oh tukso! Asan ka?


Ang alam ko lang matagal na akong mahilig magbasa ng libro, pero parang kumbaga sa showbiz ngayong taon na 'to talaga nag-BOOM ang pagkahilig ko at pagka-adik na rin sa mga libro. Marami-rami na rin akong natapos na libro, marami pa rin ang nakapila. Noon ang kilala ko lang e sila John Grisham, Sidney Sheldon, Nicholas Spark, Dan Brown at syempre ang pamosong si Bob Ong. Halos lahat ng libro ni BO nabasa ko, doon ako nagsimulang mahilig magbasa pero tanda ko no'ng fourth year highschool ako nagkainteres sa novel dahil sa english class namin. Pero sa pagkakatanda ko, bata pa lang ako bihag na ko ng mga babasahin. Liwayway, Funny Komiks, Ilang mga libro ni kuya na hindi ko pa tin naiintindihan hanggang ngayon at ang pinaka tanyag na "pocketbooks". Kaya nga siguro namulat na ako sa mga dapat ay hindi pa makita at mabasa ng batang tulad ko noon ay dahil sa pocketbook. Natuklasan ko kasi ang sikretong taguan ng mfa lumang pocketbooks ng kapitbahay namin (na kinalakhan ko na rin). Sasaktuhin ko lang na walang tao, dedkwat ng pocketbook at saka iuuwi at magbabasa. Mga dalawang araw ang tinatagal ko sa pagbabasa, depende na yun kung may tao sa bahay o wala. Hindi ko alam kung bakit ba itinatago ko pa ang pagbabasa ko no'n. Siguro dahil alam kong hindi naman pambata ang babasahin na 'yon. At base na rin sa nilalaman ng babasahin na 'yon may mga temang hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ang kailangan. Duh, e alangan namang sabayan pa akong bumasa ng nanay o tatay ko e hindi naman 'yon story book. Lol.

Pero parang nagsawa rin ako agad dahil paulit-ulit lang ang kwento. Masyado nila akong pinaniwala na posibleng maging magandang maganda ang isang hampas-lupa na babae at magkakagusto pa sa kanya ang isang matino at halos--ay hindi sobrang perpekto na lalaki. Minsan mas matanda pa ang babae sa lalaki. Parating maganda at makinis ang babae. Ang lalaki parating mayaman. Dito talaga ata nag-originate ang fairy tales at ang panlilinlang nila sa mga mambabasa para makabenta. Kaya naman ang karamihan sa mga suki nila ay mga kasambahay na kasabay ng pagbabasa ay ang pag-iimagine ng sarili jilang istorya ng fairy tale. Kaya nga ang kuya ko parati akong inaasar na paglumaki/tumanda ako, katulong raw ako. Hindi lang dahil sa masipag akong taga-linis at utusan noon(hanggang ngayon), dahil din sa pagbabasa ko ng mga makasaysayang pocketbooks.

Buti na lang at naibsan ko ang kabaliwan ko sa mga babasahing ganun. Wala namang masama ro'n e. Balik Liwayway ako no'n hanggang sa matutunan ko na nga ang Bob Ong at mga mangilan-ngilan na foreign author. Kaso no'ng napadpad ako sa dorm para akong napunta sa isang komunidad ng mga taong ang buhay ay umiikot sa pocketbooks.

Grabe.

No comments:

Post a Comment