Hindi sa talaga sa lahat ng pagkakataon pupwedeng masaya lang tayo. Alam ko naman na hindi lang ako ang nakakaramdam ng pagkalungkot ng basta-basta lang. Wala talagang dahilan. Basata mo na lang mararamdaman na “ang lungkot ah!”
Pero hindi naman kailangan na parati kang magpapadala sa emosyon mo at ibaon mo na ang sarili mo sa lungkot na nararamdaman mo. Minsan kailangan din na labanan mo. Kung ‘yun lang din naman ang makakapagpagaan sa loob ng mga taong nagmamalasakit at nag-aalala sa’yo.
Siguro ay epekto ‘to ng pag-iisip ko ng mga bagay na hindi naman dapat isipin. Palalain ang mga pangyayari sa pamamagitan ng imahinasyon ko, at tambakan ng ‘di kanais-nais at dapat na ngang kalimutan na mga pangyayari. Dumaan na, dapat na kalimutan. Lumipas na, ‘di na dapat balikan.
May mga tao nga sigurong kasing gago ko at ‘di pa rin alam ang mga bagay na ‘to. Sinasadya ko man minsan na balikan ang nakaraan, alam kong walang magbabago. May mga tao akong kailangang pangalagaan ngayon na alam kong hindi matutuwa kung malalaman nila na nagpapakasenti ako sa nakaraang alam nilang matagal ko ng kinalimutan.
Pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko sa sitwasyong nararapat. Magiging masaya ako. Sa kung anong ako ngayon at sa mga taong pumapalibot sa’kin. Sa mga taong tumulong at tumutulong at sa mga hindi nang-iiwan simula noon hanggang ngayon. Gusto ko man ibalik ang dati, alam kong hindi na pwede.
May kape pala akong nabili, sana makatulong sa'kin. Siomai, pengeng siomai.
No comments:
Post a Comment