Maluwag na kalsada. Pinupunan ng mga sasakyang nag-uunahan. Buhol buhol na trapiko, walang pagbibigayan sa isa’t-isa. Basurang maliliit bakit hindi mo muna ibulsa? Pati ba naman ang kaya mong gawin, ipagpapaubaya mo pa sa iba? Wala ka lang kusa. Pati simpleng batas hindi mo masunod. Tapos ngayon, heto ka’t nagrereklamo sa mga hirap na dinaranas mo. Isa ka sa kanila. Sa mga taong hindi sumusunod mga simpleng utos ko. Pagkatapos ay lalapit kayo at isisisi ang lahat sa akin? Mahina. Mahina..
Disiplina.
Ito lang naman ang hinihiling ko. Ito lang naman ang makakapagpa asenso sa inyo. Hindi ako, hindi.ang mga dasal nyo na puro salita pero walang gawa. Kulang kayo sa gawa. Puro kayo dada. Wala kayong paraan para mamuhay ng hindi nakakabangga ng iba.
Masaklap, madilim, makasalan, mapait, malansa, mahirap ang mundong binuo ko. Sa kabila ng lahat ng ito, gusto kong makita nyo ang ganda ng paligid nyo. Kung sino man ang makakita, s’ya lang ang makakahanap ng tunay na kapayapaan.
solb to.. dami kasi nagkukupal sa ngayon.. dapat umpisahan kasi sa sarili.. kaso kanya kanya talaga eh..
ReplyDeleteHirap kasing gumawa ng isang bagay, kapag ikaw lang ang gumagawa.
ReplyDelete