Dumarating ang mga pagkakataon na hindi mo na talaga alam kung ano pa bang gusto mo, o lung ano ng ba talaga ang gusto mo sa buhay mo. Ewan ko ba kung bakit may isang habit ako na hindi ko naman ginustong magkaro'n, di ko naman din maalalang pinraktis ko ang habit na yon. Basta na lang, nararamdaman kong nananawa na ko sa isang bagay. Maliit man o malaki, mahalaga man o hindi. Pero pinagsasawaan ko talaga agad.
Expiry date.
Lahat ata ng bagay sa'kin may limitasyon lang. Parang pagkain na hindi naman kaagad napapanis, may best before lang. Magkaiba kasi ang pagkakaunawa ko sa expiry date at best before. Diba? Magkaiba naman 'yon? O hindi? Well, basta ganyan ang ugaling lumalabas sa akin kapag parang ayoko na sa isang bagay-tao-pangayayari. Hindi ko naman matapon dahil may kaakibat na mga ala-ala yon. Hindi ko talaga maintindihan e. Para bang gusto ko lang may nakikita akong bagay na nakaraan na, para may balikan ako kapag gusto kong takasan ang ngayon o ang hinaharap. Masayang malungkot diba? Lapag may nakikita kang bahagi na lang ng nakaraan mo. Pero hindi mo rin naman magawang balikana, dahil alam mong hindi na rin 'yon ang tama. Mauulit at mauulit lang ang mga pangyayari.
Sa ngayon, kung noon e madalas kong sabihin na gusto ko na ulit mag-aral, excites na akong pumasok ulit. Hindi na gano'n ngayon. Uhm, nandon pa rin yung eagerness ko na pumasok at lalo na ang makatapos pero alam kong bawas na. Parati kong sinasabi dati na mag-aaral na akong mabuti at magsisipag na, pero ano? Eto, nakatunganga pa rin ako kahit alam kong may kailangan akong gawin. Hindi lang gusto ng diwa ko na gawin ngayon. Kailangan kasi parang may pahinga ako. Hindi ako katulad ng iba na biniyayaan ng sipag at talino, alam ko yun, pero ako pa tong pa easy-easy lang sa mga nangyayari sa buhay ko.
Gulo ko talaga e. Kahig ako naiinis na e. Wala pa rin pala akong matinong landas na tinatahak. Pero, dude, pinipilit kong gawin. Hindi naman ako papayag na magpalamon na lang ulit sa kabobohan at katamaran ng katawan ko. Kailangan ko lang ng pahinga. Pahinga sa mga bagay-bagay na nakapalibot sa akin ngayon.
Hindi lang talaga healthy na inaaraw-araw ang dapat e, once--hindi--oo nga once in a lifetime lang.
dumadaan yata ang karamihan ganiyan.. hindi masama ang makipag-usap sa mga kaibigan, partner, o kina ema at epa para humingi ng opinyon.. pero ang masasabi ko lang, kung saan yung passion mo, yun ang sundin mo..
ReplyDeleteOo nga e. Mabuti at nasunod ko na yung gusto ko. Pero alam mo yun, kahit nagagawa ko na, may kulang. Hahaha :(
Delete