Ako, oo.. Well, dati naman hindi e.
Paano ba? Ahm, diba ang fate ay destiny rin? Teka, hindi 'to tungkol sa pag - ibig ha, yuck!
Anyways, ang fate kasi, sabi nga nila, bago ka pa ipinangak sa mundo may nakalaan ng kapalaran para sa'yo. Yung parang kahit anong ikot at pasikot-sikot pa ang gawin mo sa buhay mo, kahit anong iwas at liko pa ng daan ang daanan mo, sa huli, iisang lugar pa rin ang kababagsakan mo. Ilang beses na rin kasi akong pinaglaruan ng kapalaran, nuks, parang ganito yung mga naririnig ko sa mga teleradyo kapag hapon e. Pero seryoso, yung tipo na, gusto kong ganito ang gawin ko, gusto kong mabawi yung isang bagay, o gusto kong isalba pa ang ala-ala ng isang mahalagang bagay sa buhay ko. Pero kahit anong gawin kong paraan, hindi ko pa rin nakukuha. Di pa rin umaayon sa akin. Kaya kahit di ko matanggap, ano pa bang magagawa ko, naka ilang subok na ako, di mo na pwedeng sabihin sa'kin na "try and try until you succeed". Magagasgas ang kasabihan na yan kung susubukan kong kalabanin ang kapalaran. Kaya tinatanggap ko na lang. Di naman madali, pero kasi sasayangin ko lang ang oras ko kung maghihimutok ako.
Example 1:
Ang dami kong naiwan na gamit sa dati kong dorm. May isa o dalawang taon na rin ata nung umalis ako ro'n. Pina-habilin ko sa mga room mate ko yung mga naiwan ko pang gamit. Kasama 'ron e ilang libro, unan at isang bag na may kasamang wallet at saka yung mga Candy Magazine at poster ng Twilight (hehehe). Nitong nakaraang buwan, naisipan kong kunin na yung mga gamit ko. Pinilit kong ma-contact yung mga room mate ko, nagpalit na pala lahat ng number, nung nakuha ko na, hindi raw nila alam kung nasaan na yung mga gamit ko, unan ko na lang daw ang natira. Itanong ko raw sa isa pa naming room mate. Tinanong ko, ang dahilan naman n'ya, nag General Cleaning raw sa dorm at lahat daw ng gamit na naiwan ay itinago. Kahit daw yung ibang gamit nila nawawala. Pinakiusapan ko na baka naman pwedeng makuha kahit yung wallet ko lang. (Paborito ko kasi yon, kahit ilang beses na kong nanakawan gamit yon, mahal ko yun) Laman kasi nun, yung mga id ko noong 4th year highschool ako at yung tatlong i.d ko no'ng eng'ng student pa ako. At ang pinaka mahalaga sa lahat, yung kwintas at bracelet na ibinigay ng pinakamamahal kong EX. HAHAHA. Pero walang kwenta naman kasi yung mga room mate ko, parang naiirita pa sila na inaabala ko sila para sa isang wallet lang. Pero yung unan ko pinapakinabangan nila. May mali rin naman ako, dahil hindi naman nila gamit yon, pero sana man lang sinabihan nila ako na wala na, o kaya kunin ko na yung mga gamit ko kasi maglilinis ng dorm. Pero wala na, huli na ang lahat, lahat na ng paraang naisip ko di umubra sa mga room mate ko. Nabwisit ako kaya sabi ko sa kanila na lang yung unan ko, nakakahiya naman e. Inisip ko na lang na baka kapalaran ko na lang talaga na kalimutan yung mga bagay na 'yon. Na eto na yung tamang panahon para pakawalan ko na yung mga ala-ala. HAHAHAHA, tangina.Example 2:
Eto, ang tumatanda na ako pero hanggang nagyon nag-aaral pa rin ako. Kung sa ibang tao e hindi big deal ang edad at oras, sa pamilya kasi namin, iba. Dahil nga ako lang naman ang nagkaganito. Yung..sige sabihin na nating nagloko, pero hindi naman sobra. Hindi naman kasi raw nila inaasahan na magkakaganito ako, dahil babae raw ako at mabait noon, hindi naman din daw ako bobo. Eh? Pero kasi nga, pangatlong kurso ko na 'to e. Una nga kasi ECE ang course ko. Nag-engineering ako kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng E.C.E. Basta ang alam ko lang no'n, kapag engineering daw, puro math! Totoo naman, tska mahirap talaga (wala namang madaling kurso e!) pero sinabi ko sa sarili ko na "hindi, kaya ko 'to! Kakayanin ko!". Ganyan lang ako nung umpisa e, syempre kapag umpisa gaganahan ka, lahat ng kaklase mo masisipag, may group study pa kami nun. Nagtuturo ng Algebra yung classmate naming matalino. Nakaraos naman ako ng isang sem, pero dahil parang wala pa rin sa loob ko yung pinag - aaralan ko, pagdating ng second sem, ayun! Dun na lumabas yung tunay na ako. Tamad mag-aral, pumasok, di gumagawa ng assignment, parating late. Nakakatamad naman kasi! Tatlong subject ata ang bagsak ko, dalawang drop at isang incomplete. Hindi ko rin insahan na ganitong kaaga ako mawawalan ng interes. Nalaman kong hindi talaga 'to ang kurso para sa akin. Nakaabot pa ako ng 3rd year, pero nung nagkaroon ako ng bagsak sa major, pinapalipat na ako ng nanay ko ng school. Payag naman ako kaso may isang prof ang nag-suggest na mag shift na lang daw ako ng IE. Gusto ko na nun ang MassComm, kaso nanghihinayang yung nanay ko sa tatalong taon na pinag-aralan ko sa ECE, kaya di na n'ya ako inilipat at nag-IE na lang ako. Pinangako nung prof na babantayan ako. Syempre dahil sa Pilipino s'ya, ningas kugon lang naman, nung mga pahuli, di na n'ya ako kinakamusta. Okay naman, parang unti - unti ko na lang din na tinggap na, kapag gumraduate ako bilang IE, magiging engineer ako. Pero di naman ako masaya, Iniisip ko na kapag nagtatrabaho na ako, baka pagsawaan ko lang. Ayun, dumating na naman ang isang problema, nabwisit na ng tuluyan yung nanay ko sa'kin, ililipat na raw n'ya ko sa malapit (dito na yun sa bago kong school) IE pa rin ang course ko. Hahaha. Walng kadala-dala yung nanay ko, ayun nagloko na naman ako. Di ko pinapasukan yung drawing, ayoko kasi nun, kahit mataas naman ang garde ko sa mga major ko. Di na raw ako papasok. Hayaan na lang daw akong maging tambay forevs. Tanggap ko na e! Handa na kong magtrabaho, pero dahil mabait yung asawa ng ate ko, pag -aaralin nya raw ako sa GUSTO kong kurso. Pumayag ako, syempre! Kaya naman eto, ABComm na ako. Masaya na ako sa ginagawa ko. Di na ko umaabsent, well, minsan, pero sinisigurado ko na hindi ako babagsak. Kasi ang usapan, isang bagsak lang, titigil na talaga ako. So, yes, ang tagal ng proseso pero di ko pinilit yun, kusang dumating.Kaya nga sabi nila, tanggapin mo na lang kung anong inilaan para sa'yo. wag kang sakim, yabang mo rin e. Pero yun nga, wala naman ata talagang kinalaman ang "fate" dito. Pinilit ko lang magkwento. Duh
No comments:
Post a Comment