Takot ako mag-isa. Pero mas pipiliin ko na mag-isa lang ako hanggang sa tumanda. Wala lang. Ayoko rin kasing makakita ng mga mahal ko sa buhay na nag-aalala sa akin. Ayoko na isang araw, maging pabigat na lang ako. Yung ganun ba. Alam ko naman ang pinupunto ko di’ba? At lahat tayo, naisip na rin ang bagay na ‘yan. Pero sa ngayon, isa sa mga pinaka kinatatakutan ko ay ang mag-isa. Pero unti-unti ko na rin kasing inaalis ito at sinasanay ang sarili ko na ibagay sa mundo. Na kahit anong gawin ko pang pag-iwas para hindi makalaya sa labas ng magulong mundo sa pamamagitan ng pananatiling dependent sa ibang tao. Gusto ko lang ay nakakulong ako sa anino ng iba, para makaligtas. Pero darating din naman kasi ako sa araw na wala na akong kahit sino pang malalapitan, makakapitan kundi ang sarili ko na lang.
At dahil nga inuunti-unti ko na ang sarili kong makalaya, ito ang ilan sa mga gusto kong magawa ng mag-isa.. Sana..
- Kumain ng mag-isa sa isang restaurant
- • Manood ng sine, wag lang horror. Saka na yun kapag matapang na matapang na ako.
- Manood ng gig.
- Magkape habang walang ginagawa bukod sa kape lang..
- Mag-yosi sa bangketa
- Makipag-date sa sarili ko (parang katulad din ng nasa taas, pero sabay-sabay ko lang gagawin dito)
- Magbasa ng libro sa isang lugar sa school
Madami pa siguro, pero mababaw yang mga yan, pero sa akin mahirap kasing gawin yan.
PERO! Kaninang umaga, dahil wala nga akong phone, exam week, wala akong contact sa mga palagi kong kasama sa school. Medyo nakakatulong din kasi na wala akong phone e. Wala akong choice kundi gawin ang ilang bagay na mag-isa kasi wala akong mahihingan ng tulong. Nakakapressure nga lang, dahil kapag mag-isa lang ako, para bang palaging naka-alerto beintekwatro ang five senses ko. Di katulad kapag may kasama ako, panatag lang ang loob ko. Kaya siguro nakaka stress ang pag-iisa, kasi mas maraming muscles ang nakakagamit, at nakakapagod sa utak. Ayun nga, nakapagyosi ako ng mag-isa kanina habang umiinom ng malamig na malamig na kape sa tabi ng isang fastfood chain. Di ko lang alam kung bangketa ba 'yun, dahil di naman along the hi-way, pero malapit. Duh. Achievement!
No comments:
Post a Comment