Sunday, January 22, 2012

01212012.

Mainit na, pero hindi pa rin ako pinagpapawisan. Parang ang haba ng nilakad ko pasakay ng jeep.
Nakarating din. Naiinip na naghintay, may mga tatlumpung minuto din akong nakatanga sa jeep, saka ko lang naisip na buksan ang librong ipinahiram sa'kin. Mas bumibilis talaga ang oras kapag may ginagawa ka, namalayan ko na lang na siksikan na pala sa jeep. Naiinip pa din ako. Ngayon na lang ulit ako babyahe ng ganito. tatahakin ko ulit ang nakasanayan kong daan. Pero mas matagal ata ngayon.

Pagkababa sa jeep at nakaligtas na sa mga mapanuring mata ng ibang mga pasahero. Nakahinga ako ng maluwag. Pamilyar na lugar. Nagkukusa pa din ang mga paa ko kung saan ang tamang daan. Bus naman ang susunod kong sasakyan.

Katabi ang isang ale, katapat ang isang matangkad na lalaki, katabi nya'y isang lalaki rin. Sinaksak ko na ang headset sa tenga ko,maganda ang pelikula sa magandang screen, pero wala akong marinig. Maya-maya pa, narinig ko na ang katabi ko na may kausap, papalakas, parang galit. May kaaway. Oo nga, shota nya ata. Matapang ang matanda, 'di nagpapatalo. Kasama nya pala ang lalaking katabi ng katapat kong matangkad na lalaki. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi sila nagtabi. Pero hindi naman sila ang kwento, medyo interesante lang din kasi.

Naidlip ata ako, pero ang katabi ko, galit pa ring kinakausap ang nasa kabilang linya. Bakit hindi na lang nya ibaba ang telepono? Wala naman silang napapala sa pagbubulyawan, nakakistorbo pa sila. Mabuti na lang at bababa na rin ako. Naglakad papuntang istasyon ng tren. Gusto ko sanang tumigil para bumili at magsindi ng sigarilyo, pero pinigilan ko ang sarili ko. Bukod sa ipinangakong titigil na, nagmamadali ako. Wala namang naghihintay, pero parang sabik na sabik akong makarating agad.

Puno ang tren. Ano pa bang aasahan ko? Normal na 'to. Nakatayo ako, swertehan lang ang makaupo ako sa mga pagkakataon na ganito. Pinipili ko na lang tumayo talaga, kesa makonsensya pang makakita ng mtatandang nakatayo. Ang daming tao. Sabado nga pala. Habang papalapit ng papalapit lalo akong nasasabik.

Pero bakit parang inip na inip ako sa naging byahe ko? Kahit sa pagababa ko sa tren at tahakin ang daan papuntang terminal ng van, parang ang haba. Napagod ata ako, pero matagal ko nang ginagawa 'to. Matagal na kong bumabyahe sa lugar na 'to. Pamilyar pa talaga ang lahat.

Pawis na ko. Sa wakas. Nararamdaman ko na. Gutom na rin ako.

Mahabang bhaye, nakaramdam na ko ng pagod. Pero mabilis pa rin ang lakad ko.

Nakarating na ko. Andito na 'ko.

Pero, wala ka.

Saturday, January 21, 2012

Lutang na Pangarap

Ang sabi nila, masama ka daw. Bawal tikman. Bawal mahawakan, lalo na ang maamoy. Pilit akong lumalayo sa’yo, dahil sabi nila wala ka naman daw idudulot na mabuti. Dahil sabi nila, hindi ka nararapat sa kahit sino.

Pilit ang paglayo, pero ikaw din naman ‘tong lumapit. Gusto ka ng mga kaibigan ko, pero hindi ako. Hindi naman ako tumututol sa pagkagusto nila sa’yo, wala akong sinasabi kapag ginagamit ka nila. Pero, di lang maiiwasan ang pag-iisip ko sa’yo. Ang pagpasok sa utak ko ng mga katanungan na hindi ko alam ang sagot. Alam kong ikaw lang ang makakapagsabi, ikaw lang ang makakapagpatunay ng mga paratang nila sa iyo.

Hindi ko naman sinasadya, isang sesyon ang dumating. Tanging pag-inom lang naman ang gingawa namin. Hithit ng sigarilyo, dumadag lang sa hilong nararamdaman ko. Nagsimula ka nilang pag-usapan, nandun ka pala. Wala lang sa’kin, hindi kita pinansin. Pinagmasdan ko lang kayo. Wala na, hilo na talaga ako sa mga nagyayari, sinisimulan ka na nila. Sa pagkakataon na ito, nasa pinaka mahinang estado ako ng pagkatao ko. Umiikot ka na sa mesa, tinanggihan kita. Umikot ulit, nakita ko ang isang kaibigan na alam kong hindi ka kaya kahit mahawakan, pero dahil sa pagkahilo sa alak, bumigay sya sa’yo.

Wala na ko sa normal na mundo, wala na kong maisip na matino. Lalong lumakas ang pagnanasa kong mahawakan ka, matikman. Hindi nga nagtagal, napasakamay na kita. Nanginginig akong inilalapit ka sa’kin. Sa pagdampi mo sa aking bibig, hithit ng isa.

Tang’na! Nakakapaso ka! O ako lang ang nakaramdam nun. Nagulat ako at natauhan. Naitapon kita ng hindi sinasadya. Siguro nga’y hindi ka nararapat para sa’kin at sang-ayon ako dun.

Hindi na kita muling lalapitan. Magkikita pa tayo, alam ko. Pero alam kong wala na. Hindi na.

Ba't Kasi, Gusto nga?!!

Hindi ko alam bakit ako natutuwa nung nalaman kong ibabalik na yung mga cartoons na kinahiligan at kinaadikan natin nung kabataan natin (kung 90’s baby ka). Natuwa ako kasi mababalikan ko na naman yung mga cartoons na nakakapagpasaya sakin dati. Walang sawa sa panunuod. Yung pakiramdam na hindi ka nawawalan ng interes sa mga napapanuod mo. Nalilinlang ka pa ng mga powers powers nila. Napapaniwala ka pa nila sa mga shits nila. Ang saya lang. Ang gaan sa pakiramdam. Ibang-iba noon kaysa ngayon.


Ibang -iba talaga yung kabataan noon. Simula pa lang sa paraan ng paglalaro, sa pinapanuod. Kumbaga, pantay-pantay lang ang mga bata dati. Medyo nakaka angat lang yung mayayaman na nakaranas ng gameboy mas maganda kung colored at yung sega. Pero halos lahat naman nakakabili ng mga laruan dati, mura lang naman mga laruan dati. Ultimo yung mga papaer dolls at mga libreng laruan sa loob ng tsitsirya masaya na tayo. Masasabi kong mababaw lang tayo dati. Masaya na tayo sa mga simpleng bagay. Di tulad ngayon. Alam mo na yung tinutukoy ko.


Naalala mo pa ba yung mga panahon na bilad ka sa araw at pawis na pawis sa kalalaro sa kalsada? KJ pa nga yung mga batang ayaw maglaro sa labas at maarawan. Ako, isang batang kalye. Simula umaga yon, pahinga lang ang pagkain ng tanghalian. Matik na yung usapan na babalik ng hapon at itutuloy ang paglalaro, titigil lang kapag dumidilim na, at kapag may napikon na sa pagtutuksuhan.


Ang sayaaaaa. Ang sayang balikan. Alam kong alam nyo na ‘to. Pero ang sarap talagang balikan eh. Iisa ang pag-iisip ng mga bata dati. Wala atang batang hindi nakapagsulat sa slumbook ng mga kaklase nya, o ngkaroon ng slumbook. Nag-ipon ng mga kisses at lagyan ng bulak para manganak. Oo, naloko don ako ng kisses na yon. Naglalaro ng jackstone sa loob ng classroom habang nanggugulo yung mga lalaking kaklase. Nag iipon din ng mga mababangong stationary, napapalitan pa. Nakakabili ako nun dati kahit bente pesos lang ang pera ko. Pinag-iipunan talaga yon. Maglalaro ng chinese garter sa labas ng room habang maaga pa sa panghapon na klase. Kapag hindi pa tapos, itutuloy yun pagkatapos ng klase.


Uuwi ka, pagod. Mag-aaral at gagawa ng assignment. Manunuod ng mga paboritong cartoons. Kakain at matutulog.


Ganun lang. Kaya siguro masipag pa kong mag-aral dati, maspag ding pumasok. Dahil din yun sa mga larong nakagisnan ko at sa mga cartoons na napapanuod ko.

LoveLetterNYA.slash.BirthdayCard

Bago mo basahin ‘to, imagine-nin mo muna na nasa harapan mo ko, at kunwari eh ako mismo ‘yung nagsasalita. Tapos kunwari maganda ‘yung damit ko. 

Game~ 

Bale ngayon na lang siguro ulit ako gagawa ng loveletter, ‘yun ay kung maituturing mong loveletter ‘tong kapirasong kalokohang ginawa ko. Pero kung kalokohan mang maituturing ‘to, masasabi ko naman na ‘tong kalokohan na ‘to ‘yung tipo ng kalokohan na maipagmamalaki ko kasi ginawa ko ‘tong kalokohan na ‘to para sa’yo. Nang buong puso. Oo, with feelings. 
Sige, bilangin mo muna kung ilan ‘yung ‘kalokohan’ na word ang nasabi ko. Tapos i-multiply mo sa zero. 

Duh. 

Anyway, ‘wag mo kong pagtawanan kung hindi man kasing perpekto o kasing bulaklak ng ibang sulat ng romantiko ‘tong loveletter kuno ko. Hindi naman kasi ako romantiko. Isa lang siguro akong tagahanga ng katamaran, katakawan, katarayan, at kagandahan mo. Siguro pwede mo rin akong tawaging alipin ng pagmamahal mo. O chaperone? Tse. 

Alam mo bang hinahanap-hanap ko ‘yung mga pabirong sampal mo kapag nangungulit ako? 
‘Yung mga kurot mo sa bewang kong puro taba, at pati na rin ‘yung tunog ng tawa mo sa tuwing babato ako ng mga patapon kong joke. 
Teka lang, hindi porket sinabi kong hinahanap-hanap ko ‘yung mga sampal mo eh maya’t-maya mo na kong sasampalin. Huhu. 
Naaalala mo ba ‘yung unang beses tayong natulog nang magkatabi? Hindi ko na maalala e. Lasing kasi ako nun, at hindi pa tayo gaanung magkakilala. Ni magkaibigan nga eh hindi parin. Kabatian siguro, at kasama sa isang grupo ng mga lasenggo. Niyaya kitang sumabay na sa’kin pauwi at pumayag ka naman. Tapos kinabukasan, paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Nauna ka nang umuwi. 

Waw. Wala lang. Gusto ko lang namang pahabain ‘to eh. Kaya asahan mong kung anu-anong bagay din ang mababasa mo dito na walang koneksyon sa isa’t-isa. 

Masaya ako kasi dadaan ang birthday mo na ako ang gelpren mo. Sana lang eh masaya ka din! HAHAHA. Wrong timing naman kasi ang birthday mo! Wala akong pera. Hindi tuloy kita mabibigyan ng mga paborito mong pagkain. Gusto pa naman kitang busugin ng husto. ‘Yung tipong hindi ka na kakain sa isang buong linggo dahil sa kabusugan. Pero alam ko namang sa’kin palang eh busog ka na. 

Ano ka ba?! Smile ko palang eh ulam na. 

Onga pala. Kinontak ko na ‘yung manager ng Coldplay, pati na rin ‘yung manager ng Franco, at tinanong ko kung pwede ko ba silang maimbitahang tumugtog sa hinanda kong birthday party para sa’yo. 
Aypu**! 
Onga pala! Surprise nga pala dapat ‘yung party na ‘yun! 

Anyways, wala na e, nasabi ko na, so, hindi ko na lang itutuloy. Ayon nga sa sinabi ko kanina, alanganin ang araw ng birthday mo sa araw ng sweldo ko kaya asahan mong wala akong maibibigay sa’yong regalo. Tse. Magpapalibre pa nga ko sa’yo ng pamasahe papunta senyo at siyempre pabalik na rin. HAHA. Pasensya na ah. Gusto lang talaga kitang makasama sa araw ng birthday mo. Teka? Parang baligtad ah? Dapat yata ikaw ang magsabi nun eh. 
“Marty, gusto kitang makasama sa araw ng birthday ko.” 
Pshe. Magsosorry nga pala ko sa mga shits ko. Haha. Sorry kung paminsan-minsan eh napakaarte ko. Kaunting kibot lang eh nagtatampo. Hindi ka lang naggoodmorning o naggoodnight eh tampurorot na. Yaan mo, dati pa ‘yun no! Nagbago na me. Tsaka hindi na rin ako seloso (which is never naman talagang nangyari na nagselos ako) kaya dapat may reward ako para dun. 

Masyado na yata akong maraming sinasabing nonsense dito. Wala kang pake! Nakikibasa ka na nga lang e. Basta, mag-enjoy ka ngayong birthday mo beyb! Kahit na wala kang pera o wala kang pangpainom sa’kin. Enjoyin mo ‘yung isang taon nanamang nadagdag sa buhay mo. Magsuplada ka all you want! HAHAHA. Ilibre mo na lang ako mamaya ng siomai. 

Oo, alam kong hindi ito ‘yung loveletter/birthday greetings na gusto mong matanggap pero sana ay natuwa ka kahit papano dito sa mumunti kong regalo. Sus. Makuntento ka na sa pagmamahal ko no. Lol. Ikumusta mo pala ko ke Robin. Tse. Magenjoy ka sa espesyal na araw na ‘to! Kung gusto mong manlalake, manlalake ka! HAHAHA! Biro lang. ‘Wag mong gawin ‘yun! Kotongan kita. Happy Birthday baby! Binata ka na! Sana next birthday mo, ako parin ‘yung gagawa ng ganito para sa’yo. Hehe. I love you! 

See attachment: 
  • Zooey Deschanel 300x300 Poster 
  • Jansport Backpack (Pink, Floral Pattern Design) 
  • 15pcs Hoodie (14pcs Assorted Design, 1pc Marty’s Face imprinted) 
  • 1000pcs Shawarma (Mang Temyong’s Shawarma) 
  • 1000pcs Siomai (Siomai King) 
  • 1000 cups of Koring’s Bakeshop’s Mashed Potato 
  • Marty’s Unconditional Love Request Slip (incase of additional requests) 


-Marty 

— Sobra yung emosyon. Nag uumapaw. :”“> bumigat yung dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko. ‘di ko mapigilan na mapangiti. Di kailangan ang materyal na bagay para maparamdam ang kahalagahan ng isang tao. Okay. Salamat dito! Pinaka sweet na letter ‘to na natanggap ko! :))

Naalala ko na naman 'tong loveletter/shits/bdaycard ni Marty para sa'kin. Hihihi. Matagal na 'to, gusto ko lang i-share. :3