Madami ng administrasyon ang dumaan, pero hanggang sa ngayon iisa pa din ang problemang kinakaharap ng bansa. Kahirapan. Saan ba talaga nagsimula ang ganitong kalagayan ng mga Pilipino? Sino ba ang dapat sisihin? Ang tao o ang gobyerno? Mahirap sagutin kung hindi mo alam ang tunay na pamamalakad ng gobyernong meron tayo. Tanggap na nga natin na tayo’y isa sa Third World Country. Pero mayroon pa ding mga pagkakataon na umuunlad tayo sa sarili nating pamamaraan.
Nabuhay ang ideyang ito sa isip ko ng mabasa ko ang libro ni Bob Ong. (BBMNLAMP) Kung nabasa mo ang librong ito malamang alam mo na ang sagot sa tanong.
Sa panahon ni Marcos sinasabing naging pinakamaunlad ang Pilipinas. Nakapagpatayo siya ng maraming pampublikong ospital at gusali na hanngang ngayon ay pinakikinabangan pa natin. Naging patas ang palitan ng piso at dolyar (P1=$1), Ngunit sa panahon ding ito sinasabing magsimula ang paghihirap ng ating bansa. Mula sa pagdedeklara ni Marcos ng Martial Law at sinundan pa ng People Power Revolution. Naging matagumpay man ang pagpapatalsik sa administrasyong Marcos, hindi na natigil ang bangayan at agawan sa pwesto sa gobyerno. (hindi ko na ikukwento ang tungkol kay Cory, alam mo na siguro yon). Hanggang sa ngayong administrasyon ganito pa din ang nagiging problema, sandamukal na buwaya, redtape, graft and corruption etc, lahat ay isinisisi sa gobyerno, na kung titignan may kasalanan din ang mga mamamayan. Hindi sila nakukuntento sa anumang ihain sa kanilang harapan. Tama nga ba ang demokrasyang mayroon tayo?
Sa kalaunan, ang mga Pilipinong nasa itaas ay mas lalong tumataas, at ang mga nasa baba, ay lalong nalulubog. Sanhi na din ng Crab mentality na tinataglay natin. Imbes na tulungan natin ang kapwa at suportahan sa tuwing umaangat ito, ay hinihila natin sila pababa. Walang disiplina. Sabihing wag magtatapon ng basura, magtatapon pa din. Ngunit isinisisi nila sa mga mayayamang malilikot ang kamay ang pagbagsak ng ekonomiya natin.
Parehong may katotohan, parehong dapat pagtuunan ng pansin. Kung magiging matapat lang ang mga nasa itaas, at may disiplina naman ang bawat isa, may posibilidad pa ang pag angat sa kumunoy na kinalalagpakan natin. Matatakpan pa ang mga peklat ng Pilipinas na matagal ng nakadikit sa balat nito.
Naniniwala ba ako sa gobyerno? Oo. Pero sana ang pagtitiwala ng mga tao sa kanila ay binibigyang pansin din nila. Wag na nilang mas sirain ang matagal ng sirang reputasyon ng mga nakaupo. Hindi uunlad kung walang pagkakaisa.
“Sa pag-uwi ko sa bahay naisip ko, bakit ang Hong Kong at Singapore, hindi naman gaanong nabiyayaan ng likas na yaman pero maunlad? Bakit ang mga Hapon, bobo mag-English pero mayaman? Sa Pilipinas kahit bawal magtinda sa sidewalk, may nagtitinda. Kahit bawal magtapon ng basura kung saan-saan, meron pa ring tapon nang tapon. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin n`yan?”
Disiplina lang kaya talaga ang problema sa `tin?
-Bob Ong ( Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino)
No comments:
Post a Comment