Medyo inaalala ko ang pagka late ko kanina sa umaga kong klase. Antok na antok kasi ako, walang laman ang utak at tiyan ko. Tapos ayun nga late pa ako. -_-’ Nakapasok naman ako, pero di na ako nakapag quiz na pinag aralan ko pa naman. Sayang din yun.
Sa haba ng discussion ni ma’am parang ambilis ng oras, piniga nya kaming lahat. Natawag ako sa recitation na wala naman akong naisagot. Wala talaga ko sa wisyo. Pero habang tumatagal, bumibilib talaga ko sa professor ko (itago natin sya sa pangalang SCARY) pero di naman sya nakakatakot kasi maganda sya. Nung una ko syang naging prof, di ako bilib sa pagtuturo nya. Pero ngayong prof ko na sya sa mga major ko, nakikita ko na ang paraan nya ng pagtuturo. Hindi man sya kasing galing ng ibang henyo at talagang magagaling na prof, may kakaiba syang paraan. PANANAKOT.
Mataray sya. Hindi madalas ngumiti, sayang ang ganda ni ma’am. Tinadtad nya kami ng maraming assignments, reseach at kung anu - ano pang nakakahilong gawain. Sinabi nya na “oo, tinatakot ko kayo ngayon pa lang, magbabagsak ako, pag sumabit kayo, pasensyahan na lang, kaya ngayon pa lang matakot na kayo..”
Sa totoo lang, hindi ako natatakot sa bagsik nya, may nakikita kasi akong bait sa kanya. Mabait naman talaga sya pag hindi nagtuturo, sadyang ginagamit nya lang ang pagka mataray nya, para magursigi kami sa pag - aaral. Epektib naman dahil, ngayon lang ako natakot sa isang pagbabanta na hindi naman talaga dapat katakutan. Kulang lang talaga kami sa sipag. Dumagdag pa ang galing nya sa pag- eexplain ng mga bagay na tinuturo nya, na kung tutuusin kaya din naming maisip, pero di namin nagagawa. Bata pa si ma’am Scary pero madami na syang naging karanasan sa labas ng eskwelahan. At ikunukwento nya sa amin yon, at yun ang talagang nakakapag motivate sa akin ng oaras na yun, at sa mga sususnod pang mga araw. Hindi ako masipag mag-aral, pero gagawin ko ng magsipag para ipakita sa kanya at sa iba pa naming professor na hindi nasayang ang pag eefort nila sa pagtuturo at pagpupursigi na matuto kami.
Naisip ko din.. Kung nakaya nila, Kaya din namin. :)
No comments:
Post a Comment