Sunday, January 13, 2013

Experiment

Madali lang naman pala makalimot. Lalo na kung wala namang pinagsamahan at walag pinatunguhan. Alam mo yung limot na pang tanga. Para sa mga one-sided love yun. Kasi,lumilimot ka sa isang taong wala namang pake sa'yo kahit sa una pa lang. Hindi, sige, may pake sa'yo pero hindi sasapat para masabing mahal ka nga n'ya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Hindi naman 'to based on own experience, oo maniwala ka, hindi talaga. Gusto ko lang sabihin, kasi yun yung nakikita ko. Depende na lang din. Hindi naman kasi lahat nakukuha sa tiyaga. Tiyaga ng paghihintay sa araw na mapapansin at mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Sakto ka na run sa pangyayaring 'hi hello', 'kamusta?' o simpleng tango. Sige, minsan nginitian ka na rin n'ya 'tas akala mo, gudo ka na rin n'ya. Baka naman nagiging polite lang yung tao. Kasi dapat diba ganun tayo kapag nakakakita ng kakilala, binabati kung hindi naman salita, sa kilos. Yun kasi ang mahirap sa mga taong hangal sa pag-ibig at nababaliw sa kasinugalingan. Akala nila ang simpleng pag sagot sa'yo ay indikasyon na rin na minamahal o nagugustuhan ka na. Kahit hindi naman. Ganun kasi kapag nawawalan na ng pag-asa ang isang tao. Bawat sulok at singit ng posibleng posibilidad na eksplinasyon ng bawat pangyayari, hahanapin. Kasi gusto n'yang may kapitan na pruweba na kahit papaano ay may pag-asa. Kahit deep inside, alam n'yang wala. WALA. Diba? Lahat bibigyang kahulugan. Kahit wala naman talaga. WALA.

Mali. Hindi pala madaling makalimot sa gaitong klase ng pag-ibig at katangahan. Kasi sa ganitong pagkakataon at pangyayari mas nagbigay ka ng effort. Effort na hindi ka pinansin. Naghirap ka, pero walang nangyari. Eh hindi ba, ang sabi nila, wala namang pinaghihirapan na hindi napapansin ng iba. Eh bakit sa'yo hindi umepekto? Pinansin ka ba? Oo, pero sapat na ba? HINDI.

So, i therefore conclude, na ang pang tangang paglimot na ito ay mas mahirap kalimutan kaysa sa normal na paglimot na ginagawa ng isang taong may nakaranas ng two-sided love. Aba, pride mo rin ang nasaktan, hindi lang puso.

No comments:

Post a Comment