Saturday, January 19, 2013

TititGibs Production presents....




Yung mga pagkakataon na akala mo, okay ka na lang na mag-isa, sa kahit anong bagay. Pero saka ka makakakilala ng mga taong makakasundo mo. Hindi mo aakalain na magiging magaan ang mga loob n'yo para sa iisang gawa. Magkakakilanlan ng tunay na pagkatao sa simpleng pagtambay-tambay at pagkuha ng mga senaryo ng buhay. Akala mo masaya ka na na mag-isa, pero hindi pala. Dahilk may mga taong nandyan para mas pasahayin pa ang takbo ng buhay mo kahit sa simpleng kwentuhan at tawanan. O kahit sa simpleng pag-upo sa tabi mo at tanawin ang paligid na pare-pareho n'yong hindi pinagsasawaan.
Mas masaya kung ang mga taong ito yung mga taong akala mo noon ay hindi naman magiging bahagi ng buhay mo at hindi mo inaakalang makakasundo mo. Minsang may asaran at tuksuhan. Initan ng ulo pero biro lang. Mga na lke-late sa usapan pero okay lang. Mga tambay sa bahay para mag-edit ng film pero ang ending matutulog, manonood ng tv at maglalaro. Harutan ng walang humpay, hanggang sa dumating na ulit ang oras na maghihiwalay na kayo. At sa susunod na araw, kayo-kayo muli ang magkakasama.
Sana walang magsawa. Sana hindi lang ito hanggang ngayon lang. Sana kapag natapos na 'tong proyekto, magkakaibigan pa rin tayo.
Nuks. Iinom uli tayo para malasing ang lahat, hindi lang para sa malasing ang isa. kakain ulit tayo sa Mang Inasal, paramihan ng extra rice. Magsho-shoot ulit tayo para makita ang ganda ng buhay. At sana may iyakan, kasi ilan ilan pa lang ang nakita kong umiyak sa inyo. At syempre sana kahit wala tayong makuhang awards sa darating na OBRA Awards, masaya tayong magkakasamang magtutulakan sa swimming pool. Kayo lang pala dahil hindi ako marunong lumangoy.
Ang korni ng post ko at ng kwento ko. Matagal ko na dapat na sinulat 'to pero tangina wala akong time, dahil busy akong kasama kayo. Huehuehuehue 
Salamt mga kaibigan, lalong sumaya ang pagkatao ko dahil sa inyo. Lalo akong ginanahan pumasok at ipagpatuloy ang kursong gusto ko dahil sa inyo. No regrets!!!! Wow. Tawanan n'yo ko kapag nabasa n'yo 'to, mga gago!
halabshu all. :3

Sunday, January 13, 2013

Experiment

Madali lang naman pala makalimot. Lalo na kung wala namang pinagsamahan at walag pinatunguhan. Alam mo yung limot na pang tanga. Para sa mga one-sided love yun. Kasi,lumilimot ka sa isang taong wala namang pake sa'yo kahit sa una pa lang. Hindi, sige, may pake sa'yo pero hindi sasapat para masabing mahal ka nga n'ya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Hindi naman 'to based on own experience, oo maniwala ka, hindi talaga. Gusto ko lang sabihin, kasi yun yung nakikita ko. Depende na lang din. Hindi naman kasi lahat nakukuha sa tiyaga. Tiyaga ng paghihintay sa araw na mapapansin at mamahalin ka rin ng taong mahal mo. Sakto ka na run sa pangyayaring 'hi hello', 'kamusta?' o simpleng tango. Sige, minsan nginitian ka na rin n'ya 'tas akala mo, gudo ka na rin n'ya. Baka naman nagiging polite lang yung tao. Kasi dapat diba ganun tayo kapag nakakakita ng kakilala, binabati kung hindi naman salita, sa kilos. Yun kasi ang mahirap sa mga taong hangal sa pag-ibig at nababaliw sa kasinugalingan. Akala nila ang simpleng pag sagot sa'yo ay indikasyon na rin na minamahal o nagugustuhan ka na. Kahit hindi naman. Ganun kasi kapag nawawalan na ng pag-asa ang isang tao. Bawat sulok at singit ng posibleng posibilidad na eksplinasyon ng bawat pangyayari, hahanapin. Kasi gusto n'yang may kapitan na pruweba na kahit papaano ay may pag-asa. Kahit deep inside, alam n'yang wala. WALA. Diba? Lahat bibigyang kahulugan. Kahit wala naman talaga. WALA.

Mali. Hindi pala madaling makalimot sa gaitong klase ng pag-ibig at katangahan. Kasi sa ganitong pagkakataon at pangyayari mas nagbigay ka ng effort. Effort na hindi ka pinansin. Naghirap ka, pero walang nangyari. Eh hindi ba, ang sabi nila, wala namang pinaghihirapan na hindi napapansin ng iba. Eh bakit sa'yo hindi umepekto? Pinansin ka ba? Oo, pero sapat na ba? HINDI.

So, i therefore conclude, na ang pang tangang paglimot na ito ay mas mahirap kalimutan kaysa sa normal na paglimot na ginagawa ng isang taong may nakaranas ng two-sided love. Aba, pride mo rin ang nasaktan, hindi lang puso.

Sunday, January 06, 2013

Warning: Tatlong araw naipon

Ah, nga pala, itong nakaraang linggo, nakailang tambay ako. Wala lang. Masaya rin palang umaalis alis. Di naman kailangan na may malaking pera. Nagpapasalamat na lang ako at may kaklase/kaibigan akong tulad kong nababagot din sa bakasyon. Sino ba kasing nagsasabing masarap ang mahabang bakasyon?! Hehe. Joke lang. Pero kapag ganitong wala namang pakialamanan sa pamilya at may mga kanya kanyang lakad tapos wala ka pang pera, hindi talaga masarap ang bakasyon. Mas masarap pa ngang magbakasyon kapag may pasok. Diba?

Pero teka, ang kwento ko nga, yung tambay na ginawa ko kailangan din pala ng pera, kasi nagkape kami. Alam mo na, boring na buhay ko 'tong, manigarilyo hanggang mahilo, magbasa hanggang antukin at magkape hanggang bumilis ang tibok ng puso. Sa ganun, masaya na ako. Kaya, ulit, nagpapasalamat ako sa mga taong nakasama ko sa patambay tambay, tska yung nanlibre sa'kin ng kape. Nung nakaraang Huwebes ng hapon, after lunch lang no'n kaya walang walang tao sa kapehan na 'yon. Ang sarap upuan ng lahat ng bakanteng upuan, na ginawa nga namin. Nakita ko nga rin pala si L no'n. Dinaanan n'ya raw yung mga tropa n'yang nando'n din pala. Nagkataon na tropa n'ya yung lalaking katapat ko na pinagpapakyutan ko. Since, naisip kong na-Friendzoned na ako ni L, okay na magkakrad na sa tropa n'ya. Hehe! Pero di nya nga pala ako pinansin dahil di raw nya ko nakita. Mga palusot. Tsk.

No'ng Biyernes naman, prente lang akong nakahiga sa bahay nang nagtext ang ate ko ng ganito:
"May favor ako sa'yo, ibili mo ako sa Conti's sa ATC ng cream puffs at cheese puffs, ibibili kita ng libro sa PB. Deal?"
Syempre pumayag ako! Kahit malayo at mahirap ang papunta sa ATC mula sa'min, go lang. Pero kung walang kasamang libro yun, di ako papayag. Pero pagpunta ko ng sa PB, wala naman yung mga libro na gusto ko, parehong soldout, sakto namang nagtext ang isang "old friend" ko, Hi Debbie! Magkapr raw kami dahil nasa BiƱan s'ya. Sino ba naman ako para tumanggi? Eh kape na ang lumalapit. Hahaha. Anyways, inuwi ko muna yung pinabili ni ate at nagkita kami sa nasabing kapehan. Nagkwentuhan, nagtawanan, nagbigayan ng payo at nagyosi ng madami. Ang daldal ko na naman. Nakita ko sa kabilang table yung kaklase ni L na parati n'yang kasama, sumusulyap s'ya sa'kin, di ko alam kung may gusto sya sa'kin o kilala n'ya ako. Hehe! Duh. Baka naikukwento ako ni L? Asa. Tsk tsk.

At eto ngang Sabado, kahapon lang, nagyaya ulit yung kaklase/kaibigan kong tumambay sa pathway ng Gym sa school. As of now, favorite place on Earth ko yung pathway na yun, next yung kapehan. Nagkwentuhan-slash-photoshoot kuno-slash-sight seeing lang kami. Akala ko kasi wala kaming masyading madadatnang mga tao dahil bukod sa wala pang pasok, Sabado pa. Kaso may workshop pala na ginganap sa Gym. Dance workshop. Umasa akong baka makakita ng maide-date na dancer dahil nasa Bucket List ko yun. Hahaha. Pero joke lang. Nagyosi na naman ako at kumain ng madaming yelo. Apat na oras kaming nandoon lang. May tumawag pala sa'kin no'n, akala ko di na ko kokontakin ulit. Mga lalaki talaga, kapag nakuha na ang gusto, biglang mawawala. Pero nung mga umpisa namang hindi ko pinapansin, ang kulit kulit. Tsk tsk tsk.

Balem nagkwento lang ako dahil pakiramdam ko obligado ako at daoat lang may mapaglabasan. Masaya kasi, tapos puro kape pa. May pasok na ulit bukas. :3