Monday, December 10, 2012

Try.

Natuklasan ko na isa sa pinaka magandang paraan para tuluyang kalimutan o mawala ang pagtingin mo sa isang taong gusto mo, na sa kasamaang palad e hindi mo naman sigurado kung gusto ka rin o hindi, eh, i-friendzone mo na lang yung sarili mo sa kanya. Mas okay yun, unahan mo agad! Kesa naman s'ya pa mismo ang mag-friendzone sa'yo. Atleast yung gagawin mo sakit na sagad lang sa balat, konting kirot at hindi shocking. Pero kung sa kanya mo pa maririnig ang mga katagang "dude/men/fre/brad, type ko yung friend mo, ilakad mo naman ako oh!", mas masakit yun. Sagad sa buto, baka madurog pati ang puso mo.

So, dude. Wag ka na muna umasa. Mahirap na.Nakakamatay 'yan.

4 comments:

  1. may tanong lang ako: yun bang mga na-friendzone na mga lalakeng nanliligaw, sa tingin mo ba, wagas yung linya nilang "sinayang mo lang yung nararamdaman ko para sayo", etc.. o talagang dahil sa bitter sila eh nagagamit na lang nila yung mga ganung klase ng rebuttal? kaso, malawak din kasi talaga eh.. hindi ko alam.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Uhm, Hindi naman wagas yung liny na 'yon. Kumbaga, para sa'kin, siguro nga dala lang ng matinding emosyon kaya nila nasabi 'yon. Pero sa huli, kapag kumalma na sila, mahal pa rin nila yung taong nam-friendzone sa kanila. Pero yun lang, kailangan na lang nilang tanggapin na "friends" lang talaga. Hehehehe

    ReplyDelete