Friday, July 15, 2011

Naniniwala ka ba sa Gobyerno? Bakit? Bakit hindi?

Madami ng administrasyon ang dumaan, pero hanggang sa ngayon iisa pa din ang problemang kinakaharap ng bansa. Kahirapan. Saan ba talaga nagsimula ang ganitong kalagayan ng mga Pilipino? Sino ba ang dapat sisihin? Ang tao o ang gobyerno? Mahirap sagutin kung hindi mo alam ang tunay na pamamalakad ng gobyernong meron tayo. Tanggap na nga natin na tayo’y isa sa Third World Country. Pero mayroon pa ding mga pagkakataon na umuunlad tayo sa sarili nating pamamaraan.
Nabuhay ang ideyang ito sa isip ko ng mabasa ko ang libro ni Bob Ong. (BBMNLAMP) Kung nabasa mo ang librong ito malamang alam mo na ang sagot sa tanong. 
Sa panahon ni Marcos sinasabing naging pinakamaunlad ang Pilipinas. Nakapagpatayo siya ng maraming pampublikong ospital at gusali na hanngang ngayon ay pinakikinabangan pa natin. Naging patas ang palitan ng piso at dolyar (P1=$1), Ngunit sa panahon ding ito sinasabing magsimula ang paghihirap ng ating bansa. Mula sa pagdedeklara ni Marcos ng Martial Law at sinundan pa ng People Power Revolution. Naging matagumpay man ang pagpapatalsik sa administrasyong Marcos, hindi na natigil ang bangayan at agawan sa pwesto sa gobyerno. (hindi ko na ikukwento ang tungkol kay Cory, alam mo na siguro yon). Hanggang sa ngayong administrasyon ganito pa din ang nagiging problema, sandamukal na buwaya, redtapegraft and corruption etc, lahat ay isinisisi sa gobyerno, na kung titignan may kasalanan din ang mga mamamayan. Hindi sila nakukuntento sa anumang ihain sa kanilang harapan. Tama nga ba ang demokrasyang mayroon tayo?
Sa kalaunan, ang mga Pilipinong nasa itaas ay mas lalong tumataas, at ang mga nasa baba, ay lalong nalulubog. Sanhi na din ng Crab mentality na tinataglay natin. Imbes na tulungan natin ang kapwa at suportahan sa tuwing umaangat ito, ay hinihila natin sila pababa. Walang disiplina. Sabihing wag magtatapon ng basura, magtatapon pa din. Ngunit isinisisi nila sa mga mayayamang malilikot ang kamay ang pagbagsak ng ekonomiya natin.
Parehong may katotohan, parehong dapat pagtuunan ng pansin. Kung magiging matapat lang ang mga nasa itaas, at may disiplina naman ang bawat isa, may posibilidad pa ang pag angat sa kumunoy na kinalalagpakan natin. Matatakpan pa ang mga peklat ng Pilipinas na matagal ng nakadikit sa balat nito.
Naniniwala ba ako sa gobyerno? Oo. Pero sana ang pagtitiwala ng mga tao sa kanila ay binibigyang pansin din nila. Wag na nilang mas sirain ang matagal ng sirang reputasyon ng mga nakaupo. Hindi uunlad kung walang pagkakaisa. 
“Sa pag-uwi ko sa bahay naisip ko, bakit ang Hong Kong at Singapore, hindi naman gaanong nabiyayaan ng likas na yaman pero maunlad? Bakit ang mga Hapon, bobo mag-English pero mayaman? Sa Pilipinas kahit bawal magtinda sa sidewalk, may nagtitinda. Kahit bawal magtapon ng basura kung saan-saan, meron pa ring tapon nang tapon. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin n`yan?”
     Disiplina lang kaya talaga ang problema sa `tin?
-Bob Ong ( Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino)

Friday, July 01, 2011

Motivation.

Medyo inaalala ko ang pagka late ko kanina sa umaga kong klase. Antok na antok kasi ako, walang laman ang utak at tiyan ko. Tapos ayun nga late pa ako. -_-’ Nakapasok naman ako, pero di na ako nakapag quiz na pinag aralan ko pa naman. Sayang din yun.
Sa haba ng discussion ni ma’am parang ambilis ng oras, piniga nya kaming lahat. Natawag ako sa recitation na wala naman akong naisagot. Wala talaga ko sa wisyo. Pero habang tumatagal, bumibilib talaga ko sa professor ko (itago natin sya sa pangalang SCARY) pero di naman sya nakakatakot kasi maganda sya. Nung una ko syang naging prof, di ako bilib sa pagtuturo nya. Pero ngayong prof ko na sya sa mga major ko, nakikita ko na ang paraan nya ng pagtuturo. Hindi man sya kasing galing ng ibang henyo at talagang magagaling na prof, may kakaiba syang paraan. PANANAKOT.
Mataray sya. Hindi madalas ngumiti, sayang ang ganda ni ma’am. Tinadtad nya kami ng maraming assignments, reseach at kung anu - ano pang nakakahilong gawain. Sinabi nya na “oo, tinatakot ko kayo ngayon pa lang, magbabagsak ako, pag sumabit kayo, pasensyahan na lang, kaya ngayon pa lang matakot na kayo..”
Sa totoo lang, hindi ako natatakot sa bagsik nya, may nakikita kasi akong bait sa kanya. Mabait naman talaga sya pag hindi nagtuturo, sadyang ginagamit nya lang ang pagka mataray nya, para magursigi kami sa pag - aaral. Epektib naman dahil, ngayon lang ako natakot sa isang pagbabanta na hindi naman talaga dapat katakutan. Kulang lang talaga kami sa sipag. Dumagdag pa ang galing nya sa pag- eexplain ng mga bagay na tinuturo nya, na kung tutuusin kaya din naming maisip, pero di namin nagagawa. Bata pa si ma’am Scary pero madami na syang naging karanasan sa labas ng eskwelahan. At ikunukwento nya sa amin yon, at yun ang talagang nakakapag motivate sa akin ng oaras na yun, at sa mga sususnod pang mga araw. Hindi ako masipag mag-aral, pero gagawin ko ng magsipag para ipakita sa kanya at sa iba pa naming professor na hindi nasayang ang pag eefort nila sa pagtuturo at pagpupursigi na matuto kami.
Naisip ko din.. Kung nakaya nila, Kaya din namin. :)