Wala na talaga. Kahit sinong tao pa ang makakaintindi sa'kin. Walang pamilya o kamag - anak at kahit sinong kaibigan pa ang kayang tiisin ang ugali na mayroo ako. Kung sinong tao, baka pulubi o isang taong nawawalan na rin ng pag - asa sa buhay n'ya. Tanging Diyos na lang ang makakaintindi sa sakit, pasakit at kung anu - anu pang kaguluhan ang humhadlang para maging mas matatag ako. At dahil hindi ka Diyos, hinding - hindi mo ako maiintindihan. KAILANMAN. Kaya 'wag mo akong pagsasabihan ng mga bagay na dapat kong gawin o ng mga salita na dapat kong sabihin o sa kung anong dapat kong maramdaman. Dahil hindi. Wala. Walang sino man. Baliw ka. Mas baliw ka sa akin. Mas masahol pa sa kung anong animal sa mundo ang mga tao. Kung ang sinsabi n'yo na may ibang tao pa ang mas mabigat pa ang problemang pinagdadaan kaysa sa akin, sino? Ang mga mahihirap, ang mga walang makain? ANg mga may malubhang karamdaman na malapit nang mamatay? Sana nga ako nalang lahat. Kung kaya kong saluhin laht ng problema, para laht na lang kayo masaya. Kung may karamdaman man na hindi kayang lunasan, wala nang mas lulubha pa sa nararamdaman kong pait. Pait ng mundo ng mga tao na ipinatitikim nila sa akin sa araw- araw na nabubuhay ako sa mundong ito. Sana nga mamatay na lang, para hindi na nila maranasan ang pait ng mundo na pasan ko. TANGINA ng masaya sa buhay, dahil WALANG GAN'ON. Hangga't nabubuhay ka, BANGUNGOT LANG ANG MARARANASAN MO SA MUNDONG ITO. Puta.Ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa ilalim ng init ng araw habang hihikbi hikbi ako. Patuloy sa paglalakad, hindi pa malinaw ang pupuntahan. Hindi ako maglalayas, kahit pa gustuhin ko. Wala pa akong napapatunayan sa mga taong dapat ko atang pag-alayan ng buhay ko. Hindi ko iniintindi ang mga taong dumaraan na para bang nakikisimpatya sa nararamdaman kong lungkot at sakit. Wala, wala kayong alam. Kahit ang mga kakilala kong parang gusto akong pigilan at tanungin kung anong nangyari, hindi ko pinansin. Wala akong kilala. Wala kayong mahihita sa buhay ko. Walang magandang nagyayari sa akin kaya hindi n'yo na dapat pang usisain. Patuloy akong naglakad, bumili ako ng sigarilyo sa tindahan kung saan nakita ko ang kapatid ko. Tulad ng ibang araw, para na naman kaming hindi magkakilala na nagpansinan. Alam kong napansin n'yang umiiyak ako, pero alam ko ring hindi n'ya ako lalapitan. Hindi kami lumaking katulad ng ibang magkakapatid. Wala kaming pakialam sa problema ng bawat isa. Problema lang ng magulang namin 'yon kung isa man sa amin ang mapariwara. Hindi kami masaya sa kung anong kinalakhan namin. Ako nang magsasabi, dahil hindi naman 'yon naging mahalaga sa mga kapatid ko, o kahit sa mga magulang ko. Ako lang ang namomroblema sa buhay na meron kami kung tutuusin.
Naglakad ako, palayo sa pamilyar na lugar na iyon. Pinuntahan ko ang isang tindahan kung saan patago akong naninigarilyo. Doon ako umupo at sinindihan ang isang yosi na binili ko. May dalawang taong nag-uusap na sa tingin ko ay mag - ina, may hawak silang bata. Sa tingin ko ay nagtatak rin sila kung bakit ako umiiyak. Sa pagkakataon na 'yon hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko. Pinupunasan ko ang luha ko gamit ang tshirt na gamit ko. Hindi ko rin alam kung ano bang itsura ko kanina. ang alam ko lang, mabaho ako, dahil sa pawis at sa usok ng sigarilyo na tangan ko. Nakaubos ako ng isa. Bumili ulit ako ng dalawa pa, habang iniisip ko kung ano ba ang dapat, o tama kong gawin. Ilang mga negatibong pagpapasya ang dumaan sa isip ko, pero alam kong hindi iyon ang kailangan ko ngayon. Wala akong mapapala kung susundin ko ang baluktot na pag - iisip ko. Kailangan kong bumawi, may mapatunayan. Sa sarili ko, pero higit sa lahat, sa mga taong nasa paligid ko. Ayoko na sanang magpakit pa ng interes sa kahit sino sa kanila, pero alam kong hindi ko iyon maiiwasan dahil karugtong sila ng buhay ko.
Napansin ko kung gaanong kasimple ba ang buhay ng mag - inang nasa harapan ko. Alam kong salat sila sa kayamanan, pero masaya sila. ano nga ba ang puno't dulo ng problema ng tao, hindi ba't pera? Pero sa kahit anong anggulo ko tiganan, para bang kuntento sila sa buhay na meron sila. Saka ko na lang napagtanto na.. "Sana pala wala na lang kaming pera. Sana pala wala na lang akong mga kamag - anak na may kapangyarihan. Sana pala simpleng mga tao na lang kami na hindi kilala ng kahit sino dito sa bayan namin. Sana walang malaking lupang pag mamay-ari ang angkan ng tatay ko. Sana pala, ang tanging problema na lang namin ay pera.." Hindi naman kami mayaman, pero ang angkan ng tatay ko, oo. Pero sabi nga ng iba, kahit mahirap lang sila, masaya naman ang pamilya nila. Kami nga hindi na mayaman, magulo pa ang pamilya. Ano na lang ba ang kulang? Lahat na ata ng problema, ininda ko. Pumunta ako sa lugar na ito para ilabas nag sama ng loob na nararamdaman ko. Nakakatuwa lang marinig ang mga halakhak at mga kantiyawan ng mga taong nasa harap ko, habang nagkukwentuhan sila. Hindi mo makikita na may problema sila.
"Ang hirap naman ng buhay!"
Paalis na ako ng marinig ko yan sa isa sa mga babaeng nakasama ko sa tindahan na 'yon. Bumili ulit ako ng isang sigarilyo at saka sinindihan. "Buti nga kayo yan ang ang problema n'yo." yan ang nasambit ng isip ko. Naglakad ako pabalik sa bahay ng ate ko. Habang naglalakad ako, mas lalong uminit ang sinag ng araw. Kung sana bampira na lang ako na ikamamatay ang init na dala ng araw, siguro nagbabad na ako sa initan sa natitira ko pang buhay.
Pero, kailangan ko pa ring harapin ang mundo. Madami pa rin akong dapat patunayan sa sarili ko. Nabuhay lang naman tayo para may mapatunayan. Mabuhay para sa ibang tao. Mabuhay para maramdaman ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. At higit sa lahat, malagpasan at magtagumpay.
No comments:
Post a Comment