Saturday, November 26, 2011

Last minute mind-fvckd

Gusto kong magsulat. Pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan.

Gusto kong kumanta, pero sa dami ng kantang alam ko, hindi ko alam kung ano ang kakantahin ko. Isa pa wala akong lugar para sa pagkanta.

Nakakasuya.

Gusto kitang tugtugan ng piano, pero hindi ko alam kung pano.

Gusto kitang ipagluto ng tinola, pero hindi ko alam kung anong magiging lasa.

Gusto kitang gawan ng tula, pero hindi ko alam kung magtutugma-tugma.

Parang isang pulubi na gustong kumain, pero hindi alam kung san kukuha ng pagkain. Pero ang tigas mo. Para kang bato. Para kang pader na gawa sa konkretong semento. Para kang Class A na bakal sa junkshop na 300 hundred pesos per kilo.

Para kang…
Wala.

Ang talino mo. Daig mo pa si Orville at Willbur Wright na nakaimbento ng eroplano. Daig mo pa si Sadako na nakakalabas sa TV. Daig mo pa si Simba, leon pero nakakapagsalita. Sa sobrang talino mo, ang layo ng nararating mo. Kumbaga sa buntis na naglilihi pa lang, ikaw nanganak na. Ganon ka kahusay. Nakaka-elibs.

Walang halong panunuya. Sa sobrang talino mo, nakakainggit? Kasi pakiramdam ko ang bobo ko.

Potangena. Yung dibdib ba pwede ring ipa-kilo? Ang bigat ng sakin e. Wala namang laman pero bakit ang bigat?

Badtrip pala e? Nakakagagago.

Pagyaman ko, magkita tayo Belo. Mga cup D ganon. Sa ngayon, bibili muna ko ng wonder bra sa Baclaran. 150 lang. Pero pwede pang tawaran hanggang 100. 

Sabi nila, healthy daw sa tao ang umiyak once a week. Pero yung magalit araw-araw? Nakaka-cancer daw yon? Cancer sa panga.
Ewan ko lang kung totoo. Kasi imbento ko lang yan.

Kung yung pantalon mo masikip, wag mong ipilit. Baka mapunit.

Ang sarap ng danggit na nabili ko sa Cebu. Lasang letche flan.
Ang sarap din siguro kung tumalon na lang ako sa barko nung Lunes.

OK. Good night.

No comments:

Post a Comment