Monday, October 24, 2011

Ang Pagtutuos..

..namin ng nanay ko.

Seryosong usapan ga. Kailangan ko na talaga sya kausapin. 3 sems pa ang natitira sakin, at ang alam nya isa na lang. Kailngan ko na talaga sabihin, aminin. Huhu. Grabe yung kaba ko, iniisip ko pa lang. Masyado na kong matagal natetengga sa college. At hindi ko.alam kung sinong dapat sisihin sa nangyayari sa’kin ngayon.

Kfine.

Ako talaga ang may kasalanan. ‘Di ko pinaglaban yung gusto kong kurso, nagpadala lang ako sa agos na ‘di ko naman talaga alam, kung saan patungo. Ang hirap talaga pag aralan ang hindi mo hilig. Ang hirap gawin ang mga bagay na hindi mo gusto. Para kong robot na hindi nalalangisan at pag nagtagal, kusa ng susuko at mangangalawang. Kailangan ko ng trabaho.
Ng pera.
Ng tulong.
Ng awa.

Mali.mali.

Kailangan ko makatapos. Ayoko na din maging pabigat eh. Gusto ko naman makatulong.

Please pray for my soul. Lol

Sunday, October 23, 2011

Uy, Makata!

ni Ka Ambo Sinag

“Nagpapakamakata ang mga putangina. Mga batang manunulat na ang katuwiran ay meron silang mga sariling istilo, ayaw pang amining wala lang talang karunungan sa pamantayan. Dahil daw bagong henerasyon, hindi na daw uso ang mga paraan noong nakaraan. Mga makabagong makata na nagpapakalulong sa mga salitang hindi naman mapanindigan, akala mo maraming alam, kung magsulat naman mediocre din. Kung makapanuntsa ng ibang kagaya nilang “manunulat” akala mo mga magagaling na merong mga pinag-aralan kung pa’no ba talaga ang mga tamang paraan na kinakaligtan na sa ngayon. Por que, kesyo, kumbaga, wala naman ding mga kakayanan. Nagpapakaangat pero ni kapiranggot na respeto para sa kanilang mga sinulat baka walang matanggap. Pare-parehas ng tema, walang pinagbabago. Kung ano’ng ikinayabang ‘yun din ang ikinabobo, kung mga makaastang magagaling wala namang maipagmamalaking lehitimong talagang maipagmamayabang.

“Siguro ganito na nga din, nakikigaya ako, kung paano na ba ang pagsusulat sa ngayon. Maghabi ka lang ng mga letra na kunwari isa kang nilalang na “full of wisdom” pero ‘yung mga basurang mga sinusulat niyo, ni hindi makakapasa sa pamantayan na tinitingkayad niyo na akala niyong abot niyo na. Ang mga bagong makata, dinadaan sa uso, sa kabalbalan, sa kayabangan: mga magagaling na na manunulat. Kahit sobrang trying-hard, hindi pa rin madistinguish dahil sa kabobohan ng mga nababasa, bobo na rin ang mga tumatangkilik, nagiging utak-talangka na nababad at nalunod sa mga sinulat ng makatang parang mga lawang walang lalim.

“Mga natutong tumingin sa buhay gamit ang sariling utak, pero hindi pinapagana. Natutong umibig, hindi naman natutong magsipag-unawa. Mga salitang akala nakakatulong. Mga kwentong akala mo nakakamulat. Mga payong akala mong nakakamangha. Mga salitang mabubula, kapag pinutok, hangin lang naman din ang laman. Walang mga saysay, may masabi lang; piniipiringan lang ang mga mata ng mga bulag. Mga pikit na matang hindi marunong dumilat, mga utak na hindi gumagana, hindi magamit at nangangalawang. Lalo lang nasisira sa paulit-ulit na mga katagang iniiba-iba lang kung pa’no sabihin para magmukhang orihinal.

“Pero sino ba naman ako para magsalita? Ni wala nga akong napanalunang patimpalak, ni walang kilalang naisulat. Kritikong walang kredibilidad. Hindi kagaya niyong maraming mga tagasunod at maraming mga pruweba pero kung tutuusin walang kuwenta. Ni hindi rin ako marunong magsulat, ni hindi ko alam ang mga tamang istilo. Hindi ko rin alam ang mga batas na dapat sundin, kritiko akong walang dunong. Okay na rin ‘yon kesa sa mga nagsasapraktika na nga kulang pa rin sa karunungan na batayan na nga lang hindi pa alam. Madaming mga isinasatsat, parang sa utak mo ngayon sinasabi sa aking ‘parang ikaw, madaming sinasabi, puro angas, puro dada, hanggang do’n lang naman,’ parang ikaw din, pabalik sa mga inaasta niyong panay payabangan, limitado lang naman ang napapatunayan.

“Mga angas ng salita, hindi naman nakakasugat. Uy, makata! Uy, manunulat! Tanginang makabagong pamantayan. Tanginang katuwiran na lumalayo sa kinagisnan. Henerasyong natuto kay Bob Ong kung pa’no magsulat. Naturingang mga manunulat pati balarila initsapuwera. Mga lalaking may titi lang at mga brasong malalaki dinagdagan ng mga “kakayanang magsulat” nagmumultiply na ng sobrang laki ang angas. Mga babaeng may pekpek lang na ipinagdadamot at palpak na mga ideyolohiyang natutunan sa mga librong nagpapakilig at mga pelikulang nagpapaiyak—dinagdagan din ng pekeng kakayanan sa pagsusulat—nagiging mga makata nang akala mo’y totoong impluwensyal.

“Mga bobong ulupong na nabubulok sa loob ng bulok na kulturang popular. Katanyagan at kayabangan lang ang puhunan. Mabuhay ang mga makabagong-uri ng mga makabagong manunulat. Mabuhay ang mga kabataang makata: prodigal children ng kabobohan.”

Hiling ng isang kuting.

'Di ko sinasadya ang mga nangyari. Hindi ko alam na ang pagsunod ko sa bawat sasabihin ng ibang tao, makakasama din pala sa buhay ko. Ipipilit kp pa bang ipagpatuloy ang isang bahagi ng buhay ko na alam kong nagsara na? Natapos at naglaho na lang basta? Hinihiling ko na siya na nga. Siya lang. Wala nang iba.

'Yun lang ang tanging hiling ko. Ang makahanap ng totoong pag-ibig. Ang makadama ng purongpag-ibig at walang halong bola. Salat man ako sa kayamanan at kakayahan, tanging pag-ibig lang ang maipagmamalaki kong mayaman ako. Pag-ibig na buong-buo ko ibinibigay. Walang itinitira para sa sarili. Patapon na buhay, na tanging ikaw lang ang nagbibigay ng ilaw. Pero sabi nga nila, walang permanente sa buhay na ito. Kaya naman pati ikaw, naglaho.

Patuloy ako sa pangangarap na makahanap ng isang tunay na pag-ibig. Hindi man mapantayan ang kaya kong isakripisyo, eh masusuklian at papahalagahan ako. Matatanggap kung sino ako, makikita ang tunay na ako. Mamahalin ang buong pagkatao ko.

Umaasa ako. Dahil malaki ang tiwala ko.