Nagpatuloy lang ang ilang gabi na masinsinang pag-uusap namin. Tungkol sa mga bagay na alam n'yang tama, sa mga payo at pagpapa alala. Kasama na rin do'n ang pangsusuhol niya na kapag ginalingan at nagpakabait ako, siguro may matatanggap akong regalo o reward. Wow, nabuhay nga ata si Santa sa katauhan n'ya. Halos araw-araw na pupunta sa lumang parke para pag - usapan ang mga ilang ulit na ba namin napagdiskusyunan. Pati na rin ang mga lalaki sa buhay ko, na kung tutuusin iisang tao lang naman talaga ang kinababagsakan. Ngayon lang ako nagkaraoon ng taong mahihingahan at alam kong kaya kong sabihan ng lahat ng problema ko at poproblemahin ko pa sa mundo. Luto na ang mga baga namin sa ilang stick ng sigarilyo na nauubos namin sa tuwing nga-uusap/nagkikita kami. Naguguilty nga raw s'ya kung minsan dahil parang sinusuportahan nya raw ako pagpapahina ng baga ko. Pero kaakibat naman nun ang walang katapusang payo na hangga't maaga, itigil ko na ang bisyo na 'to. Alam kong darating din ako sa oras na yon, siguro hindi pa lang ngayon.
"You should be a rose with thorns. Because a rose without thorns, is just beautiful for a second.."
Sa dami ng words of wisdom na sinabi n'ya, ang mga linyang yan lang ang tumatak sa isip ko. Kung magiging reporter man ako sa hinaharap kong buhay, yung mga katulad n'ya ang masarap interview-hin. Ang dami nyang mga quotable quotes na para bang nakaimbak na sa isip n'ya at handang lumabas kapag kinakailangan na. Lahat naman ng mga sinabi n'ya, tulad ng sabi n'ya, e pawang mga opinyon nya lang na nasa sa akin kung tatanggapin ko bilang negatibo o positibo. Naririnig ko ang lahat ng sinasabi n'ya, pero napapakinggan ko rin.
"First thing is, you need to believe in yourself, secondly, maging mayabang ka kahit koonti. At lastly, no one can tell if you can't do it... You have to have atleast confidence to youself that you can.. Bawas bawasan ang hiya.."
Alam ko na sya ang pinadala ng Diyos para ipaliwanag sa akin ang lahat. Chos! Pero grateful ako na naging malapit kami ng tao na 'to. Nanghihinayang kami na sandaling oras na lang ang magugugol namin para magkasama. Aalis na kasi s'ya at mukhang sa facebook at skype na lang ulit kami magkikita. ANg tanging hiling lang naman n'ya ay huwag ako magloko at after two years na babalik na s'ya dito, e graduating na ako. Pinangako ko sa kanya yon. Kasi sayang yung Coldplay ticket na ipinangako n'ya rin sa'kin. Hehehe!
Kung sakaling mahanap mo na ang blog ko, Nuks! may espasyo ka pa dito ulit para sa mga susunod mong word of wisdom na ipapamana sa akin. Konti na lang at aalis ka na. At tama ka, siguro nga mamimiss kita. Salamat! :)