Saturday, May 12, 2012

Happy Father's.. Wait, what?

Sa totoo lang, hindi ko naman alam na Mother's day pala bukas. Hindi ko rin matandaan na tuwing ganitong buwan din pala ipinagdiriwang 'to. Kung hindi pa ako magigung tambay ng matagal at mapapatutok ng mas matagala sa telebisyon e hindi ko nga malalaman na Araw ng mga Ina bukas.

Isa pa pala sa mga dahilan e, ni minsan sa buhay ko, 'di ko pa nabati ang ermat ko. Tuwing birthday n'ya lang, tapos sa text pa 'yon. Awkward moment kasi sa bahay kapag may sweet moments na ganyan. Para bang may kanya-kanya kaming buhay at mundo kapag nasa bahay. Hindi na kami sabay-sabay kumakain, nag-uusap lang kami ng kuya ko (na natitirang kapatid kong nakatira sa bahay namin) kapag may itatanong o may ibabalitang kapulpulan. Kami naman ng erpat ko e, civil lang. Wala lang. Tahimik kasi s'ya at ganu'n din, sa tuwing may itatanong o iuutos lang kami nag-uusap. Si ermat naman e, medyo mabigat ang loob ko sa kanya. Iritable ako kapag kinakausap n'ya ko o kapag may itinatanong s'ya. Kaya naman hindi maiwasan na palaging nagmumukhang pabalang ko s'yang nasasagot. Siguro dahil sa palagi n'ya akong napapagalitan kaya naman iniiwasan ko talagang kausapin s'ya.

Pero dahil nasabi ko na sa sarili kong magbabagong buhay na ko. Papano? Ah, sisimulan ko sa sarili ko. Iwas-bisyo at mag-aaral ng mabuti. Di na aabsent at tatamarin. Medyo nag-aalinlangan nga lang ako kung makakaya ko bang gawin 'yan. Pero gusto kong patunayan na hindi lang tuwing New Year kailangang may baguhin sa sarili, kaya naman gagawin ko 'to. Pangalawa nga sa mga pagbabagong gagawin ko e, hindi na ko makikipagtalo pa sa magulang ko, lalong lalo na sa ermat ko. Madalas ko nga s'yang nasasagot, hirap kasi maintindihan ng ugali nu'n e. Pero kahit ganun, sabi nga, nanay ko pa rin 'yan. At kulang ang buhay ko para ipambayad sa mga nagawa na n'ya para sa'kin. Tama nga ring lubusang sakripisyo na at pagpapagal ang naranasan ng nanay ko dahil sa pagkarebelde ko. Ah, oo. Di naman ako rebelde, siguro ako kasi 'yung tipo ng taong hindi marunong humindi. Minsan, 'di ko na rin naiisip ang tama sa mali. Kaya naman, pambawi ko na lang 'tong pagbabago ko sa sarili ko para sa magulang ko. Tumatanda na rin sila, at ayoko nang maging pabigat pa sa kanila. Masyado na ako. Sobra na ang pagpaaraya nila sa lahat ng nagawa ko.

Sa mga oras pa lang 'to e parehong may iniindang sakit ang magulang ko. Hindi ko man ipakita na nag-aalala ako sa kanila, lalo na sa erpat ko, e totoong nag-aalala ako para sa kanila. Kahit hindi kami close sa isa't-isa, nakakaramdam pa rin ako ng awa at habag kapag nakikita kong nahihirapan sila. Kaya naman kanina, sa simpleng paglilinis ng bahay at paghuhugas ng pinggan e naipakita ko na handa na akong sumunod sa mga iuutos nila. Pwera lang talaga sa pagtatapon ng basura na galingsa banyo. Hehehe. Oo, madali akong mandiri e. Pero hindi ako maarte. Lol.

Nanood kasi kami ng Eat Bulaga kanina ni ermat, special yung Juan for all, All for Juan e. May mother's day special. Awkward moment na naman. Pero alam kong hindi nag-eexpect ng kahit anong bati si ermat na mula sa kahit sino sa'ming mga anak n'ya. Sanay na rin naman s'ya. Naguguilty rin naman ako kahit papano, pero hindi ako magaling bumwelo ng pambawi e. Yamu, ya'n naman ang sunod na pag-aaralan ko. Nakakatawa nga pala yung mga binabati nila Bossing ng Happy Mother's day, dahil imbes na thank-you ang isinasagot nila, Happy Father's Day ang sinasabi nila. Teka, kailan nga ba ang Father's Day? Para naman mapaghandaan ko ang pananahimik ko?

PS. Hapoy Mother's Day mommy. (wow, oo, mommy tawag ko kay ermat) patawad sa mga ka-shitan na ginawa ko at sa mga oras at perang nasayang n'yo, para sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon, heto kayo at binigyan n'yo ko ng isa pang pagkakataon na makabawi at mapatunayan ang sarili ko. Hindi lang sa inyo kundi para sa ibang tao. Maraming salamat at mahal ko kayo. Hindi ko man 'to masasabi ng personal sa in'yo at walang paraan para mabasa n'yo 'to sa mga panahong ito. Alam kong darating din ang araw na mababasa n'yo 'to at oo, naiiyak ako. :')