Mapait ang mundo. Hindi talaga fair ang buhay. May mayaman, may mahirap. May mas mayaman pa sa mayaman, meron ding mas mahirap pa sa mahirap.
Ang sabi nila lahat daw ng nangyayari at katayuan ng tao sa mundo e, may dahilan.
Cool. Ano kayang dahilan yun? At sa tingin nila e, nakakatulong ang ganung pag-iisip sa mga tao.
Anyways.
Parating binabanggit sakin ng dati kong room mate na "Life is fair. Life is full of consequences." Sabi pa ng nya, lagi ko raw paniniwalaan yon. Dahil kahit anong mangyaring masama o mabuti sa akin, fair pa ding daw maituturing ang buhay. Naisip kong, tooo kaya yun? Pero napaniwala naman nya ko, at isinabuhay ko na lang ang kasabihan nyang yon.
Sa t'wing may pangit na nangyayari sakin. Iniisip kong, okay lang 'to! Life is fair! Life is full of onsequences! Lagi na lang eto yung pinipilit kong isiksik sa utak ko sa twing walang-wala na kong maisip na dahilan kung bakit nagyayari sa akin ang mga shits sa buhay ko. Kahit sa ibang tao na humihingi ng payo sakin, yan din ang pilit kong ipinapasok sa makitid nilang kokote.
Ewan ko kung naniwala sila. Pero ako, matagal akong naniwala sa shit na kasabihan na yan ng room mate ko.
Kung totoo nga ba, o baka naman gawa-gawa lang nya yun dahil bata pa ko nun at Law student sya, kaya naman napaniwala nya ko.
Matatag akong tao. Kapag may problema ako, sinasarili ko. Ayokong magkaproblema at problemahin pa ko ng iba. Hiya ko na lang. Pride ba ga? Pero alam kong hindi naman ako si Kristo para makayanan lahat ng poblemang nagpapabigat pa lalo sa dinadal ko. Kaya naman, paminsan-minsan humihingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Hindi sa kapatid, magulang, pinsan, o kahitsino sa kamag-anak ko, sa kaibigan lang. Wala naman kasing maitutulong ang mga yun. Puo sermon at pambabaikos lang ang mapapala ko sa kanila. Kaya ang mga malilit na problema ko, naipon at nang malaon naing isang malaking problema na nga.
Mabait ba akong estudyante? Depende sa bait na gusto at pinaniniwalaan mo. Ako, oo. Nag-aaral naman ako kung kinakailangan, gumawa ng mga asyment at projects para makapasa. Lahat naman ata ng estudyante takot bumagsak. Peropara sa kaalaman ng ibang hindi pa nakakaalam, tamad ako. Mapa estudyante man, anak, kapatid, tao.
Katamaran.
Ang sakit na pumapatay sa pangarap at pagtatagumpay ng isang tao.
Walang karapatang mangarap ang isang tamad na tulad ko. Wala din naman akong mararating e.
Kaya nga, kahit mabait akong estudyante, wala. Minsan pumapalya pa rin at nagkakabagsak ako.
Mabarkada nga din pala ako. Ako din yung tipo ng tao na madaling maaya basta libre mo, sagot ko na lang ang kwento. Kaya naman ng hikayatin nila kong umalis ng dorm at tumira kasama nila, pumayag agad ako. Mababait naman ang mga kaibigan ko. May bisyo kami, pero alam namin ang limatsyon ng bawat isa. Dahil bukod sa walang curfew, malaya din akong makakaalis anumang oras ko gustuhin. Masaya. Masaya ang tagpong yun ng buhay ko.
Pero tulad din ng sabi nila. *"happy events, have its own ending."
Dumating na nga sa punto na bumagsak ako, nagastos ko ang pang tution ko, nalaman pa ng nanay ko may bisyo ako, at umalis ako ng dormitoryo.
Nagkasabay-sabay. Nagkabuhol-buhol. Wala na kong magawa. Ngayon ko lang nalaman na mali ang diskarte ko. Mali ang ginawa ko. Pero alam kong may nagbago nio para gisingin ako. Wala ng magawa ang mga kaibigan kong tangi kong natatakbuhan.
Ako na lang talaga 'to. At ang magulong buhay ko.
Saka kon naalala ang sinabi ng room mate ko.
"Life is fair. life is full of consequences."
Oo. Madami talagang consequences. Pero asan ang fairness dun?
Alam ko naman na mali ako. Pero syempre kahit anong pagkamuhi ang naramdaman ko sa magulang ko, dahil sa parusa nila. Ano bang laban ko? Nagkamali ako. Lahat ng pagkakamali apa pagbayaran. Mapait ko na lang tinanggap na talo ako. Talo ako sa laba ko.
Gusto kong hunting-in ang room mate kong yun, tignan kung lawyer na sya at isampal sa mukha nya ang kasabihang pinaniwala nya. Ang kasabihang sumira lang sa akin.
O baka naman. Sadyang nadala lang ako sa udyok ng masamang sanlibutan na 'to, at naklimutan ko na para saan at nabubuhay ako.
Marupok.
* gawa-gawa ko lang yun.